SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Buod
- Ang sabi-sabi: Ipinapakita ng isang retrato mula sa Rappler #PHVote microsite ang resulta ng eleksiyon kung saan nangunguna si Ferdinand Marcos Jr.
- Marka: HINDI TOTOO
- Ang katotohanan: Imposibleng nagmula sa Rappler #PHVote microsite ang umano’y screenshot dahil ipinost ito dalawang oras bago opisyal na magtapos ang oras ng pagboto – wala pang bilang sa pahina noon.
- Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 1,000 na reaksiyon, 191 komento, at 252 shares ang post sa Facebook.
Mga detalye
Isang post nitong Mayo 9 ng Facebook user ang nagpapakita ng isang larawan ng Rappler #PHVote microsite na may nakalagay na umano ay resulta ng eleksiyon 2022.
Makikita sa larawan na nangunguna ang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakakuha umano ng 22 milyon na boto. Sinundan naman ito ng presidential candidate na si Bise Presidente Leni Robredo na nakakuha umano ng 10 milyong boto.
Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 1,000 na reaksiyon, 191 komento, at 252 shares ang post sa Facebook.
Hindi totoo na ang larawan ay mula sa Rappler PHVote microsite.
Ang larawan ay ipinost dalawang oras bago matapos ang oras ng pagboto. Nang isulat ang fact check na ito, hindi pa ipinapakita ang real-time election results ng Rappler PHVote microsite dahil hindi pa nagsisimula ang Commission on Elections (Comelec) sa pagbilang ng mga boto. – Lorenz Pasion/Rappler.com
Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.