Pumunta sa nilalaman

Dagat Karibe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mapa ng Gitnang Amerika at ng Caribbean

Ang Dagat Karibe (Ingles: Caribbean Sea) ay isang tropikal na bahagi ng tubig na kalapit ng Karagatang Atlantiko at timog-silangan ng Golpo ng Mehiko. Tinatakluban nito ang karamihan ng Plato ng Caribbean at nasa hangganan ng Venezuela, Colombia, at Panama sa timog, Costa Rica, Nicaragua, Honduras, Guatemala, Belize, at ang Yucatan peninsula ng Mexico sa kanluran, mga pulong Greater Antilles ng Cuba, Hispaniola, Jamaica, at Puerto Rico sa hilaga, at Lesser Antilles sa silangan.

Isa sa mga pinakamalaking tubig alat na mga dagat at mayroong laki na mga 2,754,000 km² (1,063,000 milya kuadrado). Sa Cayman Trench ang pinakamalilim na dulo, sa pagitan ng Cuba at Jamaica, sa 7,686 m (25,220 talampakan) sa ilalim ng patag na dagat.

Tinatawag na Caribbean ang buong lawak ng Dagat Caribbean, lalo na ang mga pulo nito.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  翻译: