Pumunta sa nilalaman

Descent of Man, and Selection in Relation to Sex

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The Descent of Man, and Selection in Relation to Sex
Title page of the first edition of The Descent of Man, and Selection in Relation to Sex
May-akdaCharles Darwin
BansaUnited Kingdom
WikaEnglish
PaksaSexual selection
Evolutionary biology
TagapaglathalaJohn Murray
Petsa ng paglathala
24 February 1871
Uri ng midyaPrint (Hardback)
ISBNN/A
Ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga katutubo ng Tierra del Fuego sa Paglalakbay ng Beagle ay nagpaniwala kay Darwin na ang sibilisasyon o kabihasnan ng tao ay nagebolb sa paglipas ng panahon mula sa isang mas primitibong estado.

Ang The Descent of Man, and Selection in Relation to Sex a isang aklat tungkol sa ebolusyon ng naturalistang si Charles Darwin na unang inilimbag noong 1871. Sa The Descent of Man,nilapat ni Darwin ang teoriya ng ebolusyon sa ebolusyon ng tao at dinetalye ang kanyang teoriya ng seleksiyong seksuwal. Ang aklat na ito ay tumatalakay rin ng maraming mga isyu gaya ng mga lahi, pagkakaiba sa pagitan ng mga kasarian, ang nananaig na papel ng mga kababaihan sa pagpili ng makakasiping. Si Darwin ang unang nagmungkahi ng karaniwang pinagmulan ng lahat ng mga nabubuhay na organismo at ang isa sa nagmungkahing ang lahat ng mga tao ay may karaniwang mga ninuno na nabuhay sa Aprika. Ang pananaw na ito na tinatawag na monohenismo ay salungat sa nananaig na pananaw ng mga antropologo sa panahon ni Darwin na tinatawag na polihenismo. Ang teoriyang polihenismo ay binuo sa panahong ito ng mga diskursong rasista sa agham na nag-aangkin na ang iba't ibang mga lahi ng tao ay mga species na maitatangi at malamang ay hiwalay na "nilikha". Pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos (1861–1865), ang mga tanong ng lahi at pang-aalipin ay nangunguna sa antropolohiya sa Estados Unidos at Europa. Ang ilang mga siyentipiko sa katimugang Estados Unidos ay naglimbag ng mga mahahabang monograpo tungkol sa "Kung bakit ang Negro ay mababang uri" at malapit nang maging ekstinkt sa pamamagitan ng bagong natuklasang kalayaan na may implikasyon na ang pang-aalipin ay hindi lamang benepisyal kundi "natural". Si Darwin ay isang abolisyonista na nagulat sa pang-aalipin na kanyang nakita sa Brazil habang nakasakay sa barkong Beagle. Ang pang-aalipin ay ilegal sa Imperyong Britanya mula pa noong 1833. Nakita ni Darwin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga tao bilang panlabas. Bukod sa kanyang ekwentro sa pang-aalipin sa Brazil, naging palaisipan rin kay Darwin ang mga "mababangis na lahi" na kanyang nakita sa Tierra del Fuego sa Timog Amerika. Ang mga ito ay nakita ni Darwin na ebidensiya ng mas primitibong estado ng kabihasnan ng tao. Ang hipotesis na "Mula sa Aprika" ay iminungkahi ni Darwin pagkatapos niyang pag-aralan ang pag-aasal ng mga bakulaw ng Aprika na ang isa ay nakatanghal sa London Zoo. Sa Descent of Man, and Selection in Relation to Sex, iminungkahi ni Darwin ang mga tao ay nagmula sa mga bakulaw o apes na may mga maliliit pa ring mga utak ngunit naglalakad ng patayo na nagpalaya sa mga kamay nito para sa mga paggamit na pumapabor sa katalinuhan. Ang paghulang ito ni Darwin ay nag-aangkin ng kabatiran dahil noong 1871, wala pang mga anumang fossil ng mga sinaunang hominid na nakuha. Pagkatapos ng halos 50 taon mula kay Darwin, ang mungkahi ni Darwin ay sinuportahan nang ang mga antropologo ay nagsimulang makapaghukay ng maraming mga fossil ng mga sinaunang may maliit na utak na mga hominid sa ilang mga lugar sa Aprika. Ito ay karagdagang sinuportahan sa pag-unlad ng henetika at sa pagkakatuklas noong mga 1980 na ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa isang babae(o Mitochondrial Eve na umiral sa Aprika) sa panig ng ina ng lahat ng mga tao.

Ang ebidensiyang fossil at henetika ay nagpapakita na ang mga sinaunang homo sapiens ay nagebolb tungo sa mga modernong tao sa Aprika sa pagitan ng 200,000 at 150,000 taong nakakalipas[1] . Ang mga kasapi ng isang sangay ng homo sapiens ay lumisan mula sa Aprika sa pagitan ng 125,000 at 60,000 taong nakakalipas at sa paglipas ng panahon ay pumalit sa mas naunang mga populasyon ng Neanderthal at Homo erectus.[2] Ang petsa ng pinakamaagang matagumpay na paglisan mula sa Aprika ay noong mga 60,000 taong nakakalipas. Ang dalawang mga piraso ng genome ng tao ay magagamit sa pagtukoy ng kasaysayan ng mga modernong tao: Ang mitochondrial DNA at Y chromosome Ang lahat ng mga taong nabubuhay ngayon ay nagmana ng parehong Mitochondria[3] mula sa isang babaeng tao na nabuhay sa Aprika noong mga 160,000 taong nakakalipas[4][5] na pinangalanang Mitochondrial Eve(walang kaugnayan sa Eba ng bibliya). Ang lahat ng mga nabubuhay na lalake ngayon ay nagmana ng mga Y chromosome mula sa lalakeng nabuhay noong 140,000 taong nakakalipas sa Aprika na pinangalanangY-chromosomal Adam(wala ring kaugnayan sa Adan ng bibliya). Ang unang linya na sumangay mula sa Mitochondrial Eve ang haplogroup na L0. Ang haplogroup na ito ay matatagpuan sa mga taong San at Sandawe ng Silangang Aprikan gayundin sa Mbuti.[6][7] Ang mga pangkat na ito ay sumanga sa simula ng kasaysayan ng mga modernog tao at nanatiling relatibong hiwalay ng henetikal mula nito. Ang inapo ng L1-6 ang mga haplogroup na L1, L2 at L3 at nakarestrikto sa Aprika. Ang mga makro haplogroup na M at N na mga linya ng iba pang populasyon ng daigdig sa labas ng Aprika ay nagmula sa L3. Ang mga mutasyon na naglalarawan ng makro haplogroup na CT (lahat ng mga haplogroup na Y maliban sa A at B) ay nauna sa paglisan mula sa Aprika. Ang inapong makro grupo nito ang DE na nakarestrikto sa Aprika. Ang mga mutasyon na nagtatangi ng haplogroup na C from sa ibang mga inapo ng CR ay nangyari noong mga 60,000 taong nakakalipas sa sandaling pagkatapos ng unang paglisan mula sa Aprika. Ang Haplogroup F ay nagmula noong mga 45,000 taong nakakalipas sa Hilagang Aprika o sa Timog Asya. Ang higit sa 90% ng lalake ngayong hindi katutubo sa Aprika ay direktang nagmula sa linyang lalake ng unang tagadala ng haplogroup F. Sa isang pag-aaral ng 53 populasyon mula sa data ng analysis ng malawakang genome na SNP at International HapMap Project (Phase II) at CEPH ay nagmumungkahi ang ang mga grupong populasyon ay nahuhulog lamang sa tatlong mga pangkat henetiko: Mga Aprikano, Eurasyano(na kinabibilangan ng mga katutubo ng Europa, Gitnang Silangan at Timog kanlurang Asya) at mga Silangang Asya(na kinabibilangan ng mga katutubo ng Asya, Hapon, Timog Silangang Asya, Amerika at Oceania)[8][8][9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Reid GBR, Hetherington R (2010). The climate connection: climate change and modern human evolution. Cambridge, UK: Cambridge University Press. p. 64. ISBN 0-521-14723-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Meredith M (2011). Born in Africa: The Quest for the Origins of Human Life. New York: PublicAffairs. ISBN 1-58648-663-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Jones, Marie; John Savino (2007). Supervolcano: The Catastrophic Event That Changed the Course of Human History (Could Yellowstone be Next?). Franklin Lakes, NJ: New Page Books. ISBN 1-56414-953-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Cann RL, Stoneking M, Wilson AC (1987). "Mitochondrial DNA and human evolution". Nature. 325 (6099): 31–6. Bibcode:1987Natur.325...31C. doi:10.1038/325031a0. PMID 3025745. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Vigilant L, Stoneking M, Harpending H, Hawkes K, Wilson AC (1991). "African populations and the evolution of human mitochondrial DNA". Science. 253 (5027): 1503–7. Bibcode:1991Sci...253.1503V. doi:10.1126/science.1840702. PMID 1840702. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. Gonder MK, Mortensen HM, Reed FA, de Sousa A, Tishkoff SA (2007). "Whole-mtDNA genome sequence analysis of ancient African lineages". Mol. Biol. Evol. 24 (3): 757–68. doi:10.1093/molbev/msl209. PMID 17194802. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  7. Chen YS, Olckers A, Schurr TG, Kogelnik AM, Huoponen K, Wallace DC (2000). "mtDNA variation in the South African Kung and Khwe-and their genetic relationships to other African populations". Am. J. Hum. Genet. 66 (4): 1362–83. doi:10.1086/302848. PMC 1288201. PMID 10739760. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  8. 8.0 8.1 Coop G, Pickrell JK, Novembre J, Kudaravalli S, Li J, Absher D, Myers RM, Cavalli-Sforza LL, Feldman MW, Pritchard JK (2009). Schierup, Mikkel H. (pat.). "The role of geography in human adaptation". PLoS Genet. 5 (6): e1000500. doi:10.1371/journal.pgen.1000500. PMC 2685456. PMID 19503611. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  9. Brown, David (Hunyo 22, 2009). "Among Many Peoples, Little Genomic Variety". The Washington Post. Nakuha noong 2009-06-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  翻译: