Pumunta sa nilalaman

Estadistikang umperensiyal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa estadistika, ang Estadistikang imperensiyal ang proseso ng paghinuha ng konklusyon mula sa mga datos na sumasailalim sa random na bariasyon o pagkakaiba halimbawa, ang mga pagkakamaling pangobserbasyon o bariasyon ng pagsasampol. Sa karamihan ng bahagi nito, ang imperensiyang estadistiko ay gumagawa ng mga proposisyon tungkol sa populasyon gamit ang mga datos na hinugot mula sa populasyon na isinasasalang alang sa pamamagitan ng isang anyo ng random na pagsasampol. Ang mga datos tungkol sa random na proseso ay hinahango mula sa napagmamasdang pag-aasal nito sa isang may hangganang yugto ng panahon. Sa isang ibinigay na parametro o hipotesis tunkol sa isang ninanais na paghinahuan, ang imperensiyang estadistiko ay kadalasang gumagamit ng: modelong estadistiko ng random na proseso na lumilikha ng mga datos at isang partikular na realisasyon ng random na proseso. Ang konklusyon ng imperensiyang estadistiko ay isang proposisyong estaditikal na ang ilang mga karaniwang anyo ay: isang pagtatantiya na mahusay na nagtatantiya sa parametrong isinasaalang alang, interbal ng pagtitiwala na interbal nililikha gamit ang hanay ng datos mula sa populasyon upang sa ilalim ng paulit ulit na pagsasampol, ang gayong interbal ay maglalaman ng tunay na halaga ng parametro na may probilidad sa isinaad na lebel ng pagtitiwala, isang kapanipaniwalang interbal na isang hanay ng mga halaga na naglalaman halimbawa ng 95% ng paniniwalang posterior, pagtakwil sa hipotesis, at pagkukumpol o paguuri ng mga punto ng datos sa mga pangkat.

  翻译: