Pumunta sa nilalaman

Johann Wolfgang von Goethe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Johann Wolfgang von Goethe
Kapanganakan28 Agosto 1749[1]
  • (Darmstadt Government Region, Hesse, Alemanya)
Kamatayan22 Marso 1832[2]
NagtaposPamantasan ng Leipzig
Unibersidad ng Strasbourg
Trabahobotaniko, politiko, pintor, pilosopo,[3] teologo, jurist, music critic, biblyotekaryo, makatà,[3] travel writer, pisiko, nobelista, mandudula,[3] awtobiyograpo, diplomata, estadista, Polimata, diyarista, soologo, abogado, kompositor, librettist, manunulat,[3] visual artist,[3] historyador sa sining
Pirma

Si tungkol sa tunog na ito Johann Wolfgang von Goethe , (IPA: [joˈhan/ˈjoːhan ˈvɔlfgaŋ fɔn ˈgøːtə]; binibigkas na may "oe" ang Goethe na katulad ng "eu" sa salitang Pranses na "beurre") (28 Agosto 1749 – 22 Marso 1832) ay isang Alemang manunulat. Isa siya sa pinakadakila sa lahat ng mga manunulat na Aleman. Isa siyang makata, nobelista, at mandudula, subalit isa rin siyang aktor, tagapangasiwa, siyentipiko, heologo, botaniko, at pilosopo. Nagkaroon siya ng napakahalagang impluho sa maraming mga manunulat at tagapag-isip noong ika-19 daang taon at maging sa pangkasalukuyang panahon. Nag-ambag siya sa agham dahil sa kanyang mga nagawa para sa botaniya at kanyang teoriya ng mga kulay. Maraming mga tao ang sumisipi ng tanyag na mga "linya" o hanay ng mga pananalita mula sa kanyang mga naisulat na aklat at ilan sa kanyang mga parirala ang naging bahagi ng wikang Aleman. Ang kanyang mga tula ay binigyan ng tugtugin ng mga kompositor na katulad nina Franz Schubert, Robert Schumann, Johannes Brahms, Hugo Wolf at Richard Strauss. Subalit isang hindi madaling talakaying tao si Goethe. Hindi nagiging mainam ang tunog ng kanyang mga tula, katulad ng lahat ng dakilang mga panulaan, kapag isinalinwika. Hindi madalas itanghal ang kanyang mga dula sa labas ng Alemanya at karamihan sa kanyang mga gawang pang-agham ang tila wala na sa panahon o makaluma. Ngunit walang dudang isa siya sa pinakadakilang mga henyo sa mundo.

Ang mga akda niya ay sumasaklaw sa larangan ng tula, drama, panitikan, teyolohiya, humanismo at agham. Ang kanyang magnum opus, na tinuturing na isa sa mga bantayog ng panitikan, ay ang dramang Faust.[4] Ilan pa sa mga kilalang akda ni Goethe ay ang mga tulang inakda niya, ang Bildungsroman na Wilhelm Meister's Apprenticeship at ang nobelang The Sorrows of Young Werther.

Isa si Goethe sa mga pangunahing pigura sa panitikan ng Alemanya at ang samahang Klasisismong Weimar sa dulo ng ika-18 at simula ng ika-19 na dantaon; ang samahang ito ay nakikipagsabayan sa Pagkamulat, Sentimentalidad, Sturm und Drang at Romantisismo. Bilang may-akda ng Teoriya ng mga Kulay, naimpluwensiyahan niya si Darwin[5] sa pokus niya sa morpolohiya ng mga halaman. Matagal din siyang naglingkod bilang Privy Councilor ("Geheimrat") sa duchy ng Weimar.

Si Goethe ang nagpasimuno ng konseptong Weltliteratur ("panitikan ng mundo").

Ang impluwensiya ni Goethe ay kumalat sa buong Europa at sa susunod sa dantaon, ang mga akda niya ay pinaghugutan ng inspirasyon sa musika, drama, tula at pilosopiya. Si Goethe ay kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang tao sa kultura ng Kanluran at kinikilala rin ng marami bilang isa sa pinakamahalagang manunulat sa wikang Aleman.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  翻译: