Pekeng balita
Ang pekeng balita (Ingles: fake news, junk news, pseudo-news, alternative facts, hoax news)[1][2] ay uri ng balita na binubuo ng sinasadyang disimpormasyon o panlilinlang na kinakalat sa pamamagitan ng tradisyonal na midyang pambalita (inilimbag at ibinrodkast) o sosyal midya online.[3][4] Ibinalik at ipinataas ng balitang digital ang paggamit ng pekeng balita o dilaw na pamamahayag.[5] Kadalasan, umaalingawngaw ang balita bilang maling impormasyon sa sosyal midya ngunit paminsan-minsan, nakararating din ito sa pangunahing midya.[6]
Karaniwang isinusulat at inilalathala ang pekeng balita na may layuning magpaligaw upang masiraan ang isang ahensya, entidad, o tao, at/o makinabang sa pananalapi o pulitika,[7][8][9] kadalasang gumagamit ng mga kahindik-hindik, hindi tapat, o tahas na gawa-gawang ulong-balita upang dumami ang mambabasa. Sa gayunding paraan, kumikita ang mga kuwentong at ulong-balitang clickbait ng rentas sa pamadya sa aktibidad na ito.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Bartolotta, Devin (9 December 2016), "Hillary Clinton Warns About Hoax News On Social Media", WJZ-TV, nakuha noong 11 December 2016
- ↑ Wemple, Erik (8 December 2016), "Facebook's Sheryl Sandberg says people don't want 'hoax' news. Really?", The Washington Post, nakuha noong 11 December 2016
- ↑ Tufekci, Zeynep (January 16, 2018). "It's the (Democracy-Poisoning) Golden Age of Free Speech". Wired.
- ↑ Leonhardt, David; Thompson, Stuart A. (June 23, 2017). "Trump's Lies". New York Times. Nakuha noong June 23, 2017.
- ↑ Soll, Jacob (2016-12-18). "The Long and Brutal History of Fake News". POLITICO Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-03-25.
- ↑ Himma-Kadakas, Marju (July 2017). "Alternative facts and fake news entering journalistic content production cycle". Cosmopolitan Civil Societies: An Interdisciplinary Journal. 9 (2): 25–41. doi:10.5130/ccs.v9i2.5469.
- ↑ 7.0 7.1 Hunt, Elle (December 17, 2016). "What is fake news? How to spot it and what you can do to stop it". The Guardian. Nakuha noong January 15, 2017.
- ↑ Schlesinger, Robert (April 14, 2017). "Fake News in Reality". U.S. News & World Report.
- ↑ "The Real Story of 'Fake News': The term seems to have emerged around the end of the 19th century". Merriam-Webster. Retrieved October 13, 2017.