Unibersidad ng Exeter
Ang Unibersidad ng Exeter (Ingles: University of Exeter) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa lungsod ng Exeter, Devon, timog-kanluran ng Inglatera, United Kingdom. Ang unibersidad ay itinatag at nakatanggap ng Royal Charter noong 1955, bagaman ito ang humalili sa institusyong Royal Albert Memorial College at University College of the South West of England, na itinatag noong 1900 at 1922 ayon sa pagkakabanggit.[1][2] Sa post-nominals, ang Unibersidad ng Exeter ay dinadaglat bilang Exon. (mula sa Latin na Exoniensis), at ito ang hulaping ibinibigay sa mga honoraryo at akademikong digri mula sa unibersidad.
Ang Exeter ay isang miyembro ng Russell Group ng mga nangungunang unibersidad sa UK na intensibo sa pananaliksik.[3] Ang unibersidad din ay miyembro ng Universities UK, European University Association, at Association of Commonwealth Universities, at isang akreditadong institusyon ng Association of MBAs (AMBA).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "History of the University". University of Exeter. Nakuha noong 1 Abril 2012.
- ↑ "Exeter Memories – Exeter University". Exeter Memories. Nakuha noong 9 Abril 2012.
- ↑ "The Russell Group". The Russell Group. Nakuha noong 1 Abril 2012.
50°44′10″N 3°32′06″W / 50.7361°N 3.535°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.