Pumunta na sa main content

Kailan pinakamagandang bumisita sa France?

Travel advisory

Batay ang impormasyon sa page na ito sa historical averages at maaaring hindi ipinapakita ang kasalukuyang sitwasyon. Alamin mula sa local authorities ang pinakabagong travel advice.

Magbasa pa

Pinakamagandang bumisita sa France mula Abril hanggang Hunyo at Setyembre hanggang Nobyembre. Makikinabang ang mga guest sa mas kaunting tao at katamtamang temperatura sa labas ng summer. Kung gustong mag-ski, pumunta sa slopes sa pagitan ng Disyembre at simulang bahagi ng Abril.

Lubos na inirerekomenda ang pamamasyal sa iba’t ibang rehiyon ng France sa labas ng busy holiday period mula sa gitna ng Hulyo hanggang sa katapusan ng Agosto. Tandaan lang na maraming mga negosyo ang nagsasara sa panahong ito at apektado rin ang pampublikong transportasyon, kaya mag-research nang maaga. Nag-aalok ang Mediterranean climate sa French Riviera ng mainit na panahon sa kabuuan ng taon, samantalang ang winter sa Paris ay binibigyan ang mga guest ng pagkakataong libutin ang mga cultural sight tulad ng The Louvre nang mas maikli ang pila. Para sa seryosong wine tasting, pumunta sa mga rehiyon na tulad ng Bordeaux at Burgundy sa pagitan ng Marso at Mayo para sa pinakamagandang tanawin o bumisita ng Oktubre at Nobyembre sa panahon ng pag-harvest ng mga ubas.

Monthly weather at travel tips sa France

Dahil malamig ang panahon sa halos buong bansa, ito ang panahon para pumunta sa slopes sa hilaga kung kailan ang Alps na nababalot ng snow ay opisyal na bubuksan para sa ski season. Enero ang pinakamalamig na buwan para sa karamihan ng mga pangunahing lungsod tulad ng Paris, Lyon, at Bordeaux, na may karaniwang temperatura na humigit-kumulang 6°C. Kahit ang Côte d’Azur ay hindi makakatakas sa lamig, kaya’t magdala ng jacket at maraming layers saan mang rehiyon bibisita.

Hindi sikreto na ang France ay nag-aalok ng ilan sa mga pinakanakakamanghang ski resort sa mundo, kung saan ang Chamonix, Tignes, at Val d’Isere ang pinakasikat. Mae-enjoy ng mga baguhan at ng mas may experience ang ilan sa pinakamagandang quality ng snow sa panahong ito, pati na rin ang top-notch après ski at mga kumportableng alpine village. Kung hindi hilig ang pag-ski, sulitin ang mga winter sale kung saan maraming mga shop ang nag-aalok ng mga discount na hanggang 70%. Sa pagitan nito, magpainit sa loob ng mga charming cafe, bistro, at brasserie at magpakabusog sa masarap na French food at wine.

9°C

Pinakamataas

3°C

Pinakamababa

16 araw

Ulan

Kasagsagan na ng ski season pagdating ng Pebrero, kaya asahang puno ang resort ng mga pamilyang sinusulit ang school holidays. Habang pabagsak ang temperatura sa Alps sa negative, ang ibang natitirang bahagi ng bansa ay may average na humigit-kumulang 5°C. At habang maraming couples ang papunta sa Paris para sa Valentine’s Day, mas maraming iba pang inaalok tuwing Pebrero.

Sinasamantala ng maaraw na timog ang mas mainit-init na panahon nito sa pamamagitan ng pag-host ng outdoor entertainment tulad ng NiceCarnival na nagtatampok ng mga flower battle, quirky costumes, at epic parade na may mga napakagagandang float. Nasa border ng Italy, ginaganap sa maliit na bayan ng Menton ang Fête du Citron bilang testimonya sa mga panahong kilala ito bilang pinakamalaking lemon producer ng Europe. Asahan na makikita ang lahat mula sa fruit parades hanggang sa mga exhibition ng citrus patterns.

8°C

Pinakamataas

1°C

Pinakamababa

13 araw

Ulan

Habang nagsisimulang mamukadkad ang mga unang bulaklak ng spring, nagbabago ang France at nagiging isang makulay na countryside. Marso ang pinakahuling abalang buwan ng ski season at tuloy pa rin ang school holidays hanggang sa kalagitnaan ng buwan, kung kaya’t asahan ang maraming tao kung pupunta sa slopes. Malayo sa malamig pa ring Alps, ang average na temperatura sa iba pang bahagi ng bansa ay humigit-kumulang 8–10°C, kung kaya maganda pa ring magdala ng makapal na winter coat.

Sa timog, patuloy ang mga party sa mga festival at umaabot ang mas mainit-init na panahon hanggang sa 15°C. Tinitiyak ng Irish community sa Paris na hindi basta lilipas lang ang St. Patrick’s Day nang hindi napapansin sa Marso 17, sa pamamagitan ng pagpapatugtog sa mga pub ng lungsod ng traditional Irish folk music at maraming Guinness. Kasabay ng simula ng Easter season, bakit hindi subukang mag-day trip sa Flavigny-sur-Ozerain sa Burgundy, ang setting ng 2000 drama na “Chocolat” na pinagbibidahan nina Juliette Binoche at Johnny Depp.

13°C

Pinakamataas

4°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Ang mild weather sa hilaga at Mediterranean vibes sa timog ang dahilan kung bakit Abril pinakamagandang bumisita sa France. Puwedeng ipagpatuloy ang pag-ski sa pinakamatataas na ski resorts tulad ng Tignes at Val d’Isere na siguradong marami pa ring snow sa ganitong panahon ng taon. Malayo sa slopes, puwedeng mag-hike ang mga guest habang napapaligiran ng magandang tanawin ng pink blossoms at snowcapped peaks. Humigit-kumulang 7°C ang temperatura sa Alps habang ang Paris at ang natitirang bahagi ng inland France ay may kumportableng 12°C. Mag-impake ng ilang mga kumportableng walking shoes, matibay na payong kung sakaling umulan ng Abril, at layers para sa gabi.

Sentro ang Easter festivities at may iba’t ibang event na organized sa buong bansa. Nakakatakam pagmasdan ang window displays ng mga chocolatier, pero tandaan na ang mga Easter egg ay inihahatid ng flying bells sa halip na mga bunny sa France. Sa bayan ng Bessieres sa timog-kanluran, gumagawa ang dose-dosenang cook ng higanteng omelette gamit ang 15,000 na itlog, habang ang Chateaux Vaux le Vicomte na nasa labas lang ng Paris ay nagho-host ng pinakamalaking Easter egg hunt sa bansa.

16°C

Pinakamataas

7°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Habang nagsisimula ang spring sa bansa, gayundin ang iba’t ibang cultural event at celebration dahil sa mas mainit na panahon. Puwedeng maging mainit sa araw pero nagiging mas malamig sa gabi, kung kaya’t magdala ng mga extrang damit para hindi lamigin. Magdala ng payong kung pupunta sa capital, kung saan ang Parisang may pinakamataas na rainfall tuwing Mayo, at ang Nice ang mayroong pinakakaunti.

Public holiday ang Mayo 1 sa France, kaya karamihan sa mga negosyo ay sarado at apektado rin ang pampublikong transportasyon. Asahan ang party-like atmosphere sa mga kalye at pamimigay ng maraming “muguets” (lilies of the valley) para sa suwerte. Dapat pumunta ang film buffs sa world-famous Cannes Film Festival na ginaganap sa loob ng 12 araw sa Mayo. May mga libreng open-air screening ng mga pelikula sa beach at makakakita rin ang mga guest ng celebrities sa red carpet. Ilan sa kilalang event sa sports ang ginaganap din sa Mayo kabilang ang French Open tennis tournament, ang Monaco F1 Grand Prix, at ang MotoGP.

18°C

Pinakamataas

10°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Nagsisimula ang mga sign ng summer sa Hunyo, kung kailan nagiging madalas na ang asul na kalangitan at mainit na panahon. Gayunpaman, ang spring showers at mas malamig na gabi ay dahilan para magdala ng mga extrang damit sa suitcase. Isang degree o dalawa lang ang pagkakaiba ng temperatura sa buong bansa, kung saan ang karamihan ay may average temperature na humigit-kumulang 20°C.

Nagiging abala ang Paris sa ganitong panahon ng taon, pero ang magandang balita ay maraming crowd-free, culture-filled cities sa labas ng capital para malibot. Peak ng festival season sa panahong ito, kung saan ginagawa ang Fête de la Musique sa ika-21 ng buwan na nag-aalok ng mga libreng concert sa buong bansa at ang Paris Jazz Festival na nagho-host ng major players mula sa buong mundo. Mayroon ding apat na araw na Fête le Vin na gaganapin sa Bordeaux kung saan puwedeng tikman ang pinakamasarap na wine at local produce na inaalok sa buong mundo. Dahil hindi nagsisimula ang school holidays hanggang kalagitnaan ng Hulyo, ito ang perfect na panahon para puntahan ang nakakamanghang baybayin ng French Riviera na may tahimik na mga beach at temperatura na humigit-kumulang 25°C.

23°C

Pinakamataas

13°C

Pinakamababa

12 araw

Ulan

Opisyal na summer na sa buong bansa pero kinakailangang maging handa sa heatwaves, lalo na sa timog kung saan may banta ng mga forest fire. Wala nang pasok kaya asahang karamihan sa mga lungsod ay puno ng maraming mga pamilya at turista. Makakasagap ng mas malalamig na panahon sa rehiyon ng hilagang Alps na karaniwang nakakaranas ng mga temperatura na humigit-kumulang na 17°C. Pero kung ang hanap ay mainit na summer, ang gitnang mga lungsod at mga beach ng French Riviera ang dapat puntahan.

Ipagdiwang ang French Revolution habang ginaganap ang Bastille Day parades at fireworks sa buong bansa tuwing Hulyo 14. Kung nasa Alps ng Hulyo, sulit na subukang panoorin ang Tour de France habang naglalaban-laban ang top cyclists ng mundo para sa pinakamimithing yellow jersey. Nasa mood na makinig ng music? Host ang rehiyon ng Alsace ng annual Colmar International Festival kabilang ang 20 concert sa mahigit na 10 araw, habang ang Carcassone naman sa timog ay nagtatampok ng halos 100 na concert at mga palabas kabilang ang lahat mula sa jazz acts hanggang sa opera.

26°C

Pinakamataas

16°C

Pinakamababa

11 araw

Ulan

Dahil karaniwang nasa summer vacation ang mga French mula Hulyo 14 (Bastille Day) hanggang sa kalagitnaan ng Agosto, asahang sarado ang ilang shops at restaurant sa unang kalahating bahagi ng buwan. Karamihan sa mga local ay pumupunta sa mga coastal city sa timog para magbabad sa Mediterranean beach vibes na may average na 25°C. Kung ganito rin ang balak mong gawin, mag-impake ng light cotton clothes at light extra layer para sa gabi. Kung mananatili sa hilagang bahagi ng France, magtira ng extrang space sa suitcase para sa raincoat at jacket para sa malalamig na gabi.

Ang mataas na temperatura at maraming tao ay nangangahulugang ang pinakamagandang gawin sa Agosto ay ang sulitin ang mga pinakamamagandang festival na inaalok. Sa kanlurang suburbs ng Paris, laging nagbibigay ang Rock en Seine ng magagandang lineup ng pinakamalalaking banda sa paligid, habang ang Fêtes de Dax naman sa timog-kanluran ay nakakahatak ng hanggang sa 800,000 na tao sa limang araw na festivities.

25°C

Pinakamataas

15°C

Pinakamababa

11 araw

Ulan

Napakagandang panahon ang Setyembre para bisitahin ang France, kung saan ang mga huling araw ng summer ay napapanatili ang mainit at maaraw na panahon ng mga nakaraang buwan na may mas mainam na temperatura na humigit-kumulang 20°C sa araw. Isa pa sa maganda sa panahong ito ay tapos na ang school holidays, kaya malilibot na ang mga pangunahing pasyalan nang mas kaunti ang tao.

Ngayong tapos na ang napakainit na peak ng summer at nagbukas na uli ang mga business pagkalipas ng holidays, ito ay magandang panahon para mamasyal sa mga karaniwang abalang lungsod tulad ng Paris, Nice, at Lyon. Mayroon pang maraming events na mapaglilibangan, kabilang ang pinakamalaking flea market ng Europe sa Lille sa unang weekend ng Setyembre, at ang Ravel Festival sa kahabaan ng Atlantic coast kung saan makakarinig ng maraming traditional Basque music. Dahil kasagsagan ng taunang grape harvest sa buwang ito, perfect na panahon din ito para mag-French wine tour sa mga pangunahing rehiyon tulad ng Bordeaux, Burgundy, atChampagne.

22°C

Pinakamataas

12°C

Pinakamababa

12 araw

Ulan

Habang nangingibabaw ang magagandang pula at gintong kulay ng autumn sa buong bansa, ang araw naman ay umiiksi at ramdam na ang paglamig. Madalas na maaraw pero karaniwang mahirap hulaan ang panahon, maliban kung nasa mas mainit na rehiyon ka sa timog sa simula ng buwan. Magdala ng jacket at payong para sa posibilidad ng pag-ulan.

Ginaganap sa unang weekend ng Oktubre sa Paris ang annual Nuit Blance (White Night) nito, kung saan nag-aalok ng libreng entry sa maraming mga museum, gallery, at iba pang cultural center sa buong gabi. Hindi man big deal ang Halloween sa France, ang Disneyland Paris ay nagbibigay ng maraming happy hauntings sa parehong park, kasama ng usual na Disney magic. Nagbibigay-pugay ang Lyon sa heritage nito bilang birthplace ng cinema sa pamamagitan ng pag-host ng Lumière Film Festival na nag-aalok ng 400 screenings sa buong lungsod.

18°C

Pinakamataas

10°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Kung tungkol naman sa temperatura, bihira itong tumaas sa double digits kapag Nobyembre maliban na lang kung pupunta ka sa medyo mas mainit na timog na may average na 13°C. Tiyaking nakapag-impake ng ilang mga damit at ilang mga waterproof clothing para makaya ang basa at mahanging panahon na nararanasan ng halos buong bansa.

Asahan ang pagsasara ng ilan at hindi direktang epekto nito sa pampublikong transportasyon sa Toussaint (All Saints Day) sa unang araw ng buwan, at ang Armistice Day sa ika-11, na parehong public holiday. Dapat planuhin ng nangangarap maging sommeliers ang kanilang mga biyahe sa paligid ng Beaujolais Nouveau sa ikatlong Huwebes ng Nobyembre, na nag-aalok ng unang patikim ng treasured wine ilang linggo lang matapos ang pag-harvest ng mga ubas. Nagpapatuloy ang wine fest na may Hospices de Beaune wine auction sa Burgundy sa ikatlong Linggo ng buwan, na lahat ng kita ay mapupunta sa charity.

13°C

Pinakamataas

7°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Sapat na ang masayang kapaligiran at mainit-init na mulled wine para mapanatiling kumportable ang pakiramdam ng mga guest sa panahon ng winter. Nagsusulputan sa buong bansa ang mga Christmas market, pero gayundin ang school holidays kaya maghanda sa maraming tao sa mga pangunahing lungsod kaysa sa karaniwan. Kasalukuyang ski season sa Alps at Pyrenees na nag-aalok ng lahat ng klase ng winter sport na mapagpipilian. Mag-impake ng makapal na coat, medyas, at gloves para mapanatiling mainit ang paa’t kamay sa Disyembre.

Para maranasan ang pinakamasayang vibes, pumunta sa Christmas markets sa rehiyon ng Alsace, kung saan mararanasan ang natatanging pinaghalong French at German influence. Uminom ng isang tasa ng vin chaud at bisitahin ang mga stall sa gitna ng maraming kumukutitap na fairly lights. Kabilang sa mga pinakasikat na market ang Strasbourg (pinakamatanda sa Europe) at ang Ribeauvillé na may medieval theme at magarbong damit. Samantala sa Lyon, nag-aalok ang Fêtes des Lumières ng pagkakataong makita ang mga pangunahing monumento ng lungsod at ang mga inilawang ilog na may kumbinasyon ng mga video, laser, at LED.

10°C

Pinakamataas

4°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Weather at temperature sa France

Mula sa snow-capped mountains ng Alps, Jura, at Pyrenees hanggang sa mas mainit na climate ng timog-silangang baybayin, ang France ay may pinakamalawak na iba’t ibang temperatura sa buong rehiyon sa buong taon. Karaniwang may maalinsangang summer at malamig at maulang winter ang hilaga at gitnang mga rehiyon kasama ang Normandy, Burgundy, at Île-de-France (kung saan makikita ang Paris). Mararanasan ang mas malamig at mas mahabang winter sa mga lungsod na tulad ng Strasbourg sa rehiyon ng Alsace at Grenoble at Chamonix sa Alps. Sa timog, ang panahon ay mas mainit sa buong taon, salamat sa Mediterranean climate na nagresulta sa mainit at tuyong summer at maraming sikat ng araw.

Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre
Paris Pinakamataas 8°C 7°C 13°C 16°C 18°C 22°C 25°C 25°C 21°C 16°C 11°C 9°C
Pinakamababa 3°C 2°C 5°C 7°C 10°C 13°C 16°C 15°C 12°C 10°C 7°C 5°C
Ulan 16 araw 14 araw 15 araw 15 araw 15 araw 13 araw 11 araw 12 araw 12 araw 14 araw 16 araw 16 araw
Nice Pinakamataas 13°C 12°C 15°C 17°C 20°C 24°C 27°C 27°C 25°C 21°C 17°C 14°C
Pinakamababa 6°C 5°C 9°C 12°C 14°C 19°C 21°C 21°C 18°C 15°C 11°C 8°C
Ulan 16 araw 14 araw 15 araw 15 araw 15 araw 13 araw 11 araw 12 araw 12 araw 14 araw 16 araw 16 araw
Lyon Pinakamataas 7°C 6°C 14°C 17°C 20°C 25°C 27°C 27°C 22°C 18°C 12°C 9°C
Pinakamababa 2°C -0°C 4°C 7°C 10°C 14°C 16°C 15°C 12°C 10°C 5°C 3°C
Ulan 16 araw 14 araw 15 araw 15 araw 15 araw 13 araw 11 araw 12 araw 12 araw 14 araw 16 araw 16 araw
Marseille Pinakamataas 12°C 11°C 16°C 19°C 22°C 28°C 30°C 30°C 26°C 22°C 16°C 13°C
Pinakamababa 4°C 2°C 6°C 9°C 12°C 16°C 19°C 18°C 15°C 13°C 8°C 5°C
Ulan 16 araw 14 araw 15 araw 15 araw 15 araw 13 araw 11 araw 12 araw 12 araw 14 araw 16 araw 16 araw
Strasbourg Pinakamataas 6°C 5°C 12°C 16°C 19°C 24°C 26°C 25°C 21°C 16°C 10°C 8°C
Pinakamababa 1°C -1°C 2°C 6°C 9°C 12°C 14°C 13°C 10°C 7°C 5°C 2°C
Ulan 16 araw 14 araw 15 araw 15 araw 15 araw 13 araw 11 araw 12 araw 12 araw 14 araw 16 araw 16 araw
Bordeaux Pinakamataas 11°C 10°C 15°C 17°C 19°C 24°C 27°C 26°C 24°C 20°C 15°C 12°C
Pinakamababa 5°C 2°C 6°C 8°C 10°C 14°C 15°C 15°C 13°C 11°C 8°C 5°C
Ulan 16 araw 14 araw 15 araw 15 araw 15 araw 13 araw 11 araw 12 araw 12 araw 14 araw 16 araw 16 araw

Mula sa Forecast.io ang weather data

Halaga ng stay sa France

Gustong mag-travel nang sulit? Dito, puwede mong tingnan ang average na halaga ng accommodation sa France kada gabi.

    0 42 84 126 168
  • HK$ 1,101 Enero
  • HK$ 1,144 Pebrero
  • HK$ 1,190 Marso
  • HK$ 1,201 Abril
  • HK$ 1,266 Mayo
  • HK$ 1,364 Hunyo
  • HK$ 1,359 Hulyo
  • HK$ 1,302 Agosto
  • HK$ 1,320 Setyembre
  • HK$ 1,287 Oktubre
  • HK$ 1,141 Nobyembre
  • HK$ 1,259 Disyembre
    0 42 84 126 168
  • HK$ 851 Enero
  • HK$ 945 Pebrero
  • HK$ 922 Marso
  • HK$ 856 Abril
  • HK$ 969 Mayo
  • HK$ 1,006 Hunyo
  • HK$ 1,125 Hulyo
  • HK$ 1,045 Agosto
  • HK$ 881 Setyembre
  • HK$ 881 Oktubre
  • HK$ 793 Nobyembre
  • HK$ 1,032 Disyembre
    0 42 84 126 168
  • HK$ 358 Enero
  • HK$ 360 Pebrero
  • HK$ 430 Marso
  • HK$ 457 Abril
  • HK$ 505 Mayo
  • HK$ 528 Hunyo
  • HK$ 541 Hulyo
  • HK$ 517 Agosto
  • HK$ 464 Setyembre
  • HK$ 475 Oktubre
  • HK$ 402 Nobyembre
  • HK$ 468 Disyembre
    0 42 84 126 168
  • HK$ 810 Enero
  • HK$ 862 Pebrero
  • HK$ 873 Marso
  • HK$ 891 Abril
  • HK$ 1,018 Mayo
  • HK$ 1,037 Hunyo
  • HK$ 1,232 Hulyo
  • HK$ 1,236 Agosto
  • HK$ 940 Setyembre
  • HK$ 910 Oktubre
  • HK$ 889 Nobyembre
  • HK$ 1,047 Disyembre
    0 42 84 126 168
  • HK$ 801 Enero
  • HK$ 856 Pebrero
  • HK$ 861 Marso
  • HK$ 896 Abril
  • HK$ 951 Mayo
  • HK$ 971 Hunyo
  • HK$ 1,030 Hulyo
  • HK$ 1,025 Agosto
  • HK$ 953 Setyembre
  • HK$ 920 Oktubre
  • HK$ 848 Nobyembre
  • HK$ 895 Disyembre

Pinakamagagandang puntahang lugar sa France

Tingnan ang ilan sa mga pinakasikat na lungsod, mapupuntahang lugar, at dapat gawin sa France!

Ano ang sinasabi ng ibang travelers sa kanilang bakasyon sa France

  翻译: