Pumunta na sa main content

Kailan pinakamagandang bumisita sa Taiwan?

Travel advisory

Batay ang impormasyon sa page na ito sa historical averages at maaaring hindi ipinapakita ang kasalukuyang sitwasyon. Alamin mula sa local authorities ang pinakabagong travel advice.

Magbasa pa

Pinakamagandang bumisita sa Taiwan mula Pebrero hanggang Abril at Oktubre hanggang Disyembre. Natatapat sa pagitan ng maalinsangang summer at typhoon season, masusulit mo sa dalawang period na ito ang nakakaayang subtropical climate at ilan sa nangungunang event ng Taiwan.

Dahil sa magandang panahon, mainam na puntahan ang great outdoors ng Taiwan sa mga buwang ito. Mag-sakura spotting sa Yangmingshan simula Pebrero, panuorin ang mga nakakahalinang alitaptap sa Dongshi Forest Garden sa Abril, o hangaan ang magagandang kulay ng autumn sa Alishan sa huling bahagi ng taon. Kahit kailan at kahit saan ka man makarating sa iyong outdoor adventure, perfect na lugar ang mga hot spring sa Beitou at Wulai para maka-recover. Pabalik sa mga lungsod, bagay na bagay ang kumportableng klima para puntahan ang mga nangungunang attraction katulad ng Shilin Night Market at Elephant Mountain, at makisaya sa nakakaengganyong kapaligiran sa panahon ng Lantern Festival at Taiwan Pride.

Monthly weather at travel tips sa Taiwan

Enero ang pinakamalamig na buwan sa Taiwan na may average na temperaturang halos 17°C sa isang buwan. Bagaman maaaring hindi ito gaanong kalamigan, mainam pa ring magdala ng jacket, dahil pinapalamig ng halumigmig nang ilang degree ang kapaligiran sa mga hilagang rehiyon katulad ng Taipei. Mas tuyo at medyo mas mainit sa timog ng bansa, pero mararamdaman mo ang mas kapansin-pansing kaibahan kung pupunta ka sa mas mataas na bahagi patungo sa kabundukan ― katulad ng Hehuanshan at Xueshan ― kung saan mayroon pa ngang pagkakataong mag-snow.

Karaniwang tahimik sa Enero kung mga event ang pag-uusapan, maliban kung nagkataong natapat sa buwang ito ang Chinese New Year. Sinusunod ng festival ang lunar calendar, ibig sabihin maaari itong ganapin sa anumang date mula Enero 21 hanggang Pebrero 20, kaya’t mainam na alamin nang maaga para makita kung madaratnan mo ang maraming tao at mas malalaking pagdiriwang sa panahon ng iyong trip.

19°C

Pinakamataas

14°C

Pinakamababa

Karaniwang katamtaman ang Pebrero sa Taiwan, na may average na temperaturang nasa matataas na 10s. Makakaranas ka ng mas malamig at maulan na panahon sa hilaga sa Taipei, habang pinapataas naman ang average na temperatura na may mga tuyo at maiinit na araw sa katimugan at silangang mga lungsod katulad ng Kaohsiung at Taitung.

Nakadepende ang dami ng tao sa Pebrero sa date ng Chinese New Year. Lunar calendar ang sinusunod ng festival na ito, kaya’t puwedeng matapat ito sa alinman sa Enero o Pebrero ― pero mas madalas itong Pebrero. Kung nasa Taiwan ka sa panahon ng Chinese New Year, asahan ang mataong transportasyon, buhay na buhay na mga tourist spot, at masiglang kapaligiran dahil nagta-travel ang locals papunta sa kanilang hometown at nasa mga trip kasama ng pamilya. Kinukumpleto ang Chinese New Year sa Taiwan ng Lantern Festival, kung saan nagtitipon ang mga pamilya sa mga lungsod katulad ng Pingxi para pakawalan sa kalangitan ang mga floating lantern. Maagang alamin para makita kung isasagawa ang Lantern Festival sa panahon ng iyong pagbisita ― karaniwan itong Pebrero, pero paminsan-minsan ring nagaganap nang Marso.

20°C

Pinakamataas

14°C

Pinakamababa

Naghihintay ang kumportableng pakiramdam ng spring kung bibisita ka sa Taiwan sa Marso. Madalas ang maulang panahon sa mga lugar katulad ng Taipei at Taoyuan, pero nakakatulong ang ulan kasama ng tumataas na temperatura para mamulaklak ang Tung at masiglang sumibol ang iba pang bulaklak.

Cherry blossom ang isa pang bulaklak na puwede mong makita sa Taiwan sa Marso. Pinakamaaga na ang Enero para sa pamumulaklak ng mapupusyaw na pink na bulaklak na ito, pero dahil sa mas mainit na panahon kaya naman sikat na makita ang mga ito sa Marso ― at hindi mataong alternatibo ito sa sakura season sa Japan. Kung naging interesado ka sa great outdoors dahil sa simula ng spring, ipagpatuloy ang iyong mga adventure sa pag-hike sa mountain trails ng Yushan National Park, pagtuklas ng napakagandang Taroko Gorge, o pag-relax sa Beitou Hot Springs.

22°C

Pinakamataas

16°C

Pinakamababa

Madalas nang lumalabas ang araw kapag Abril sa Taiwan at umaakyat ang average na temperatura sa mahigit 20°C. Nababagay ang panahong ito para umakyat sa Elephant Mountain ng Taipei, pero tandaang dumadalas ang ulan dito at sa buong Taiwan habang papalapit sa pagtatapos ng buwan.

Abril ang hudyat ng taunang Penghu Fireworks Festival ― na dalawang buwang fireworks display bawat ilang araw sa Penghu archipelago. Kung ibang uri ng light show ang gusto mo, magpunta sa kaparangan ng Taiwan para maabutan ang kasagsagan ng firefly season. Tahanan ng mga kawan ng alitaptap, na nagbibigay ng kahali-halinang bright green na liwanag sa gabi ang mga lugar katulad ng Yangmingshan National Park at Dongshi Forest Garden ng Taichung. Upang makita ang iba pang natural na pasyalan ng Taiwan, maglakbay sa hilaga papuntang Zhuzihu para mapagmasdan ang pamumulaklak ng mga naggagandahang puting calla lily.

26°C

Pinakamataas

19°C

Pinakamababa

Asahan ang init, halumigmig, at ulan kung bibisita ka sa Taiwan kapag Mayo. Hudyat ang buwang ito ng simula ng plum rain season ng East Asia, na dalawang buwang pag-ulan sa buong Taiwan at ilan sa mga katabing bansa nito. Ang season ― na binigyan ng ganitong pangalan dahil sa kasabay nito ang paghinog ng mga plum dito ― ay naghahatid ng maiikli ngunit malalakas na thundershower, na karaniwang sa hapon. Mahalagang bagay ang payong at manipis na rain jacket sa panahong ito ng taon.

Gayunman, kung naabutan ka na ng pagbagsak ng ulan, huwag mo nang subukang magpatuyo, at pumunta sa isa sa mga hot spring ng Taiwan. Sikat na mga lugar para mag-relax at magtanggal ng stress ang natural thermal waters sa mga lugar katulad ng Beitou at Wulai. Kung ikakasiya mo ang paglusob sa afternoon showers, maganda ring bisitahin ang mga national park ng Taiwan. Tamang-tama ang mabatong landscape sa Taroko National Park, mga beach at kabundukan sa Kenting, at iba't ibang flora sa Yangmingshan National Park para sa magagandang photo ― pero tiyaking magdala ng payong para manatili kang tuyo at ang iyong camera.

29°C

Pinakamataas

23°C

Pinakamababa

Papalapit na sa kasagsagan ng summer ang Hunyo sa Taiwan, kaya’t asahan ang matataas na temperatura, malalakas na pag-ulan, at pangkalahatang maalinsangang klima. Kasagsagan ng plum rain season, na may maiikli ngunit malalakas na afternoon thundershower, partikular sa timog sa Kaohsiung. Bumababa ang init at dumadalang ang ulan sa gabi para sa mas malamig at mas kumportableng panahon ― na tamang-tama para mapuntahan ang mga night market ng Taipei na puno ng street food.

Highlight sa cultural events calendar sa Taiwan ang Dragon Boat Festival. Maaaring iba-iba ang date dahil sinusunod nito ang lunar calendar, pero mas madalas itong natatapat sa Hunyo. Nagtitipun-tipon ang mga tao sa tabi ng mga ilog sa Taipei, Miaoli, at Lukang para panuorin ang mga rower na kumakarera sakay ng mga detalyadong pininturahang bangka, at kumain ng “zongzi” ― na mga hugis pyramid na sticky rice dumpling na binalot sa dahon ng kawayan. Kung medyo hindi mo na matiis ang init ng Hunyo, magpalamig sa mga kaaya-aya at naka-air condition na tindahan sa sikat na Taipei 101 tower, o sa mga mall at restaurant na nakakalat sa buong capital.

32°C

Pinakamataas

26°C

Pinakamababa

Hulyo ang pinakamainit na buwan sa Taiwan, na may average na temperaturang nasa mahigit 20s sa buong bansa ― at halumigmig kaya naman pakiramdam mo na nasa 35°C ito. Bahagi rin ang Hulyo ng typhoon season dito, kaya’t kailangan mong subaybayan ang mga weather forecast sa panahon ng iyong pagbisita. Kung maaliwalas ang baybayin at hindi mo alintana ang init, marami kang puwedeng gawin dito.

Nagpapalipad sa kalangitan ng hanay ng makukulay na hot-air balloon tuwing Taitung Balloon Festival, habang nagiging parang outdoor art gallery naman ang Fulong Beach, dahil sa kahanga-hangang mga gawa sa International Sand Sculpture Festival. Para sa naka-air condition na pahinga mula sa labas, pumunta sa loob ng National Palace Museum o sa Taipei Fine Arts Museum, pagkatapos ay magpalamig kasama ng ice-cold bubble tea sa mismong bansa na nag-imbento nito.

34°C

Pinakamataas

27°C

Pinakamababa

Walang balak tumigil ang init sa Taiwan kapag Agosto, na may parehong mainit na temperatura at maulang hapon na naranasan kapag Hulyo. Nagpapatuloy rin ang typhoon season hanggang Agosto, kaya’t tiyaking alamin nang madalas ang mga weather forecast para makita kung paano nito maaapektuhan ang iyong mga travel.

Karaniwang nagdadala ang panahon ng ilang bagyo lang sa Taiwan sa kahabaan ng ilang buwan, kaya’t sa kabuuan, malaya mong mapupuntahan at matutuklasan ang lahat ng inaalok ng bansa. Kung maaliwalas ang panahon, sikat na pasyalan ang Taroko Gorge kapag Agosto dahil sa mas malamig na klima nito, o puwede kang magbilad sa araw, pagmasdan ang mga tanawin, at langhapin ang simoy ng dagat sa mga beach sa Kenting National Park. Sa dako ng eastern county ng Hualien, tamang-tama ang kabundukang natatakpan ng mga seasonal at matingkad na orange na daylily flower para sa maganda at ‘di kailangan ng filter na photo.

33°C

Pinakamataas

26°C

Pinakamababa

Matapos ang maalinsangang summer, medyo mas kumportable pagdating sa panahon ang Taiwan kapag Setyembre. Bumababa ang temperatura ― sa medyo ibabang bahagi sa timog, at mas lalo na sa Taipei at iba pang bahagi ng hilagang rehiyon ― at dumadalang na rin ang ilang ulan na dala ng Agosto. Bahagi pa rin ng typhoon season ang Setyembre, pero nananatiling sikat ang mga beach sa timog kapag mainit ang panahon.

Maaaring hindi pa pang-autumn ang temperatura, pero nagsisilbing isang napapanahong paalala ang isa sa mga festival ng Taiwan sa ganitong bahagi ng taon. Ang Mid-Autumn Festival ― na kilala rin bilang Moon Festival ― ay isang pagkakataon para magpakasawa sa mga mooncake at sumama sa locals para sa mga riverside barbecue sa Taipei. Bilang isang lunar calendar festival, maaaring iba-iba ang date, pero kadalasan itong Setyembre. Kabilang sa iba pang event na dapat tandaan ang Taipei Arts Festival at ang Sun Moon Lake International Swimming Carnival ― na pagsu-swimming sa kahabaan ng pinakamalaking lawa ng bansa na humahatak ng libu-libong kalahok.

31°C

Pinakamataas

25°C

Pinakamababa

Dahil sa mainit at kadalasang tuyong panahon kaya naman Oktubre ang isa sa mga pinakamagandang buwan para bisitahin ang Taiwan. Kasama ang average na temperaturang 24°C at kaunting malamig na hanging umiihip, napakagandang pagkakataon ito para pumunta sa kabundukan at panuorin ang maliwanag at kulay autumn na kakahuyan. Isang sikat na lugar para gawin ito ang Alishan, kung saan ― kung maaga kang gigising ― mapapanuod mo rin ang pagsikat ng araw sa ibabaw ng “sea of clouds” na lumulutang sa bandang ibaba ng bundok.

Marami ring magandang dahilan para gumising at lumabas sa malalaking lungsod. Pinakamalaking LGBTQ+ celebration ng East Asia ang Taiwan Pride, na may mga buhay na buhay na parada at maraming taong may makukulay na kasuotan na nagtitipon sa mga kalsada ng Taipei. Panahon na rin ng party sa Taichung ― humahatak ang taunang jazz festival ng iba’t ibang nangungunang Taiwanese at international talent sa mahigit isang linggo ng kasiyahang puno ng music tuwing Oktubre.

27°C

Pinakamataas

22°C

Pinakamababa

Sa Taiwan standards, isang malamig at kumportableng buwan ang Nobyembre para mabisita ang bansa. Mahigit lang sa 20°C ang average na temperatura, at masisinagan ka ng araw sa mga rehiyon ng Taichung at Kaohsiung. Karaniwang medyo makulimlim na may kaunting ulan ang Taipei, pero sapat na ang manipis na jacket para pampainit dito.

Sa kabila ng kanais-nais na lagay ng panahon, isa ito sa mga mas tahimik na buwan kung mga turista ang pag-uusapan. Gamitin ang pagkakataong ito para puntahan ang ilang pangunahing attraction katulad ng Elephant Hill, Jiufen Old Street, o Dragon and Tiger Pagodas. Kung nasa Taipei ka sa Nobyembre, magpa-reserve ng upuan para sa mga screening sa prestihiyosong Golden Horse Film Festival, at siguraduhing maglaan ng oras para kumain ng street food sa Shilin Night Market.

25°C

Pinakamataas

19°C

Pinakamababa

May average na temperaturang nasa kalagitnaan hanggang mataas na 10s, isa sa mga pinakamalamig na buwan sa Taiwan ang Disyembre. Ito rin ang pinakatuyo, partikular sa mga lungsod sa timog katulad ng Kaohsiung at Tainan. Maaaring magmukhang bahagyang makulimlim ang mga araw sa Taipei, pero pinaliliwanag ng mga Christmas light at ng Taipei 101 New Year’s Eve Fireworks ang capital sa huling bahagi ng buwan.

Marami kang puwedeng gawin bago pa ang mga kasiyahan sa pagtatapos ng taon sa Disyembre. Nagbibigay ang banayad na winter weather ng nakakaengganyong pagkakataon para magbabad sa mga hot spring ng Beitou at Wulai. O kung nasa timog ka ng Taiwan, nagtatampok ang Art Kaohsiung fair ng contemporary works mula sa papasikat na local talent. Matutunghayan mo rin sa Disyembre ang mga Taipei Marathon runner habang sinusubok ang kanilang bilis sa capital ― mag-cheer para sa kanila o makilahok mismo para sa napakagandang paraan upang malibot ang lungsod.

20°C

Pinakamataas

15°C

Pinakamababa

Weather at temperature sa Taiwan

Mararanasan mo ang pinakamagandang panahon sa Taiwan mula Pebrero hanggang Abril at Oktubre hanggang Disyembre. Naghahatid ang summer ng maiinit na temperatura, maiikli ngunit malalakas na thundershower, at paminsan-minsang bagyo ― kaya’t ang mga buwan sa pagitan ng mga ito ay may kaaya-ayang lagay ng panahon. Dapat pa ring magdala ng raincoat kung nasa hilagang rehiyon ka katulad ng Taipei mula Pebrero hanggang Abril, samantalang medyo mas tuyo naman ang mga araw mula Oktubre hanggang Disyembre. Karaniwang tuyo ang mga lungsod sa timog at sentro katulad ng Kaohsiung at Taichung sa halos buong spring at autumn, na may temperaturang naglalaro sa 20s, at mayroon pa ngang kaunting sikat ng araw sa Disyembre.

Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre
Taipei Pinakamataas 19°C 20°C 22°C 26°C 29°C 32°C 34°C 33°C 31°C 27°C 25°C 20°C
Pinakamababa 14°C 14°C 16°C 19°C 23°C 26°C 27°C 26°C 25°C 22°C 19°C 15°C

Mula sa Forecast.io ang weather data

Halaga ng stay sa Taiwan

Gustong mag-travel nang sulit? Dito, puwede mong tingnan ang average na halaga ng accommodation sa Taiwan kada gabi.

    0 44 88 132 176
  • HK$ 717 Enero
  • HK$ 847 Pebrero
  • HK$ 774 Marso
  • HK$ 775 Abril
  • HK$ 683 Mayo
  • HK$ 725 Hunyo
  • HK$ 719 Hulyo
  • HK$ 718 Agosto
  • HK$ 682 Setyembre
  • HK$ 730 Oktubre
  • HK$ 760 Nobyembre
  • HK$ 937 Disyembre
    0 44 88 132 176
  • HK$ 420 Enero
  • HK$ 568 Pebrero
  • HK$ 508 Marso
  • HK$ 542 Abril
  • HK$ 456 Mayo
  • HK$ 507 Hunyo
  • HK$ 484 Hulyo
  • HK$ 497 Agosto
  • HK$ 458 Setyembre
  • HK$ 486 Oktubre
  • HK$ 524 Nobyembre
  • HK$ 668 Disyembre
    0 44 88 132 176
  • HK$ 244 Enero
  • HK$ 283 Pebrero
  • HK$ 266 Marso
  • HK$ 273 Abril
  • HK$ 254 Mayo
  • HK$ 253 Hunyo
  • HK$ 255 Hulyo
  • HK$ 244 Agosto
  • HK$ 245 Setyembre
  • HK$ 252 Oktubre
  • HK$ 258 Nobyembre
  • HK$ 308 Disyembre
    0 44 88 132 176
  • HK$ 1,010 Enero
  • HK$ 1,413 Pebrero
  • HK$ 1,077 Marso
  • HK$ 1,245 Abril
  • HK$ 1,104 Mayo
  • HK$ 1,302 Hunyo
  • HK$ 1,310 Hulyo
  • HK$ 1,298 Agosto
  • HK$ 1,355 Setyembre
  • HK$ 1,404 Oktubre
  • HK$ 1,407 Nobyembre
  • HK$ 1,378 Disyembre
    0 44 88 132 176
  • HK$ 625 Enero
  • HK$ 761 Pebrero
  • HK$ 622 Marso
  • HK$ 716 Abril
  • HK$ 646 Mayo
  • HK$ 687 Hunyo
  • HK$ 712 Hulyo
  • HK$ 695 Agosto
  • HK$ 648 Setyembre
  • HK$ 641 Oktubre
  • HK$ 649 Nobyembre
  • HK$ 726 Disyembre

Pinakamagagandang puntahang lugar sa Taiwan

Tingnan ang ilan sa mga pinakasikat na lungsod, mapupuntahang lugar, at dapat gawin sa Taiwan!

Ano ang sinasabi ng ibang travelers sa kanilang bakasyon sa Taiwan

  翻译: