Customized na Customer Service
Sabihin sa amin kung ano ang nangyayari at gagabayan ka namin sa susunod na gagawin.
Kontakin kami kahit kailan
Padalhan kami ng message o gamitin ang phone. Palaging available ang aming mga agent.
Lahat ng mahalagang bagay sa iisang lugar
Tumawag o mag-message sa accommodation, at tingnan ang lahat ng kinakailangang impormasyon para sa stay mo.
Oo, ang cancellation fee ay itinakda ng accommodation at makikita sa cancellation policy mo. Babayaran mo ang kahit anong dagdag na cost sa accommodation.
Kung ang booking mo ay may libreng cancellation, hindi ka na magbabayad ng cancellation fee. Kung hindi na libre ang pag-cancel ng booking mo o ito ay non-refundable, puwedeng may cancellation fee ito. Ang cancellation fee ay itinakda ng accommodation. Babayaran mo ang kahit anong dagdag na cost sa accommodation.
Kadalasan, ang accommodation ang magcha-charge sa card mo. Kung ang Booking.com ang kukuha ng payment na ito, malinaw itong nakasaad sa booking confirmation mo.
Karaniwan, ang payment ang ginagawa sa pag-check in o pag-check out sa accommodation. Pero may ilang exceptions, may mga accommodation na kumukuha ng prepayment para sa buo o bahagi ng kabuuang halaga ng reservation. Muli, malinaw itong nakasaad sa confirmation at payment policies mo.
Kung walang prepayment policy, posibleng kumuha ang accommodation ng test payment sa card mo bago ang iyong stay. Temporary hold lang ito, at ginagawa lang para ma-validate ang card mo at ma-guarantee ang iyong booking. Hindi katulad ng real charge, ibabalik ang test payment sa card mo.
Oo! Puwede kang gumawa ng change sa booking mo mula sa confirmation email o sa Booking.com. Depende sa policy ng accommodation, puwede mong gawin ang mga sumusunod:
Baguhin ang oras ng check-in/out
Baguhin ang date
I-cancel ang booking
Palitan ang details ng credit card
Palitan ang details ng guest
Pumili ng bed type
Baguhin ang room type
Magdagdag ng kuwarto
Magdagdag ng meal
Gumawa ng request
Makipag-ugnayan sa accommodation
Siguraduhing tingnan ang inbox, spam, at junk folders ng email mo. Kung hindi mo pa rin makita ang confirmation mo, pumunta sa booking.com/help at ipapadala namin ito muli sa 'yo.
Kailangan ang valid card upang tiyakin ang iyong reservation sa karamihan ng mga accommodation. Nag-aalok kami ng ilang accommodation na tumatanggap ng iyong reservation nang walang card. Maaari ka ring mag-book gamit ang card ng ibang tao basta't may permiso ka niya. Sakaling ganoon nga, mangyaring banggitin sa kahon ng "Mga Special Request" ang pangalan ng may-ari ng card at sabihin din na binigyan ka niya ng permisong gamitin ang card nang isagawa mo ang booking.
Maaaring ito ang nangyari:
Preauthorization: Isang validity check lang ang preauthorization na pansamantalang nagba-block sa credit card mo ng tinatayang halaga na katumbas ng iyong reservation. Ibabalik ang halaga pagkalipas ng ilang panahon, depende sa property at sa iyong credit card provider.
Deposit o Prepayment: Humihingi ang ilang property ng deposit o prepayment sa oras ng reservation. Malinaw na nakasaad ang policy na ito sa proseso ng reservation at matatagpuan din sa confirmation email. Kung eligible ka sa libreng cancellation, ibabalik ang halagang ito kapag nag-cancel ka ng reservation mo.
Palaging nariyan ang aming Customer Service team kung may kailangan kang tulong sa payment issue. Puwede kang pumunta sa booking.com/help para makausap kami.
Parating makikita sa accommodation page sa ilalim ng "Mga Patakaran" ang mga pet policy.