Ang aming mga guideline ng community
Respeto
Bilang bahagi ng aming mission na gawing madali para sa lahat na ma-experience ang mundo, nakatuon kaming gawin ang lahat ng aming makakaya para matanggal ang lahat ng uri ng ipinagbabawal na bias, diskriminasyon, intolerance, harassment, at abuso sa lahat ng aming platforms. Sinisiguro ng aming anti-discrimination policy na may mga proseso kaming naka-set para protektahan ka, ang iyong mga guest, staff, at property. Gusto naming maramdaman ng lahat ng aming customer na ligtas at nirerespeto sila. Hindi katanggap-tanggap ang asal na nagpo-promote ng karahasan, may diskriminasyong pananalita, o poot laban sa tao o grupo batay sa kung sino sila. Kasama rito ang anumang uri ng diskriminasyon, tulad ng hindi patas o hindi pantay na pagtrato batay sa personal characteristics. Kasama sa mga katangiang ito ang lahi, pinanggalingan, relihiyon, mga pananaw sa pulitika, pagmamay-ari ng property, sexual orientation, mental o physical abilities, gender, gender identity o expression, marital o familial status, health status, lugar na tinitirhan, o social o economic status. Kahit sa mga pagkakataon kung saan maaaring mayroon kang naaayon sa batas o lehitimong dahilan sa hindi pagtanggap ng booking, maaaring magdulot pa rin ng pagkabalisa o paghihirap sa mga guest kapag ginawa ito. Dapat mong gawin ang lahat ang bawat pagsisikap para maging welcoming sa mga guest ng lahat ng background. May responsibilidad kang siguruhin ang ligtas na kapaligiran at pigilan ang mga asal at gawaing maaaring magdulot, magresulta sa, o posibleng mapunta sa physical, psychological, sexual, o economic harm. Kasama rito — pero hindi limitado — ang gender at batay sa lahi na karahasan, harassment, at physical assault.
Walang sinuman — mga partner, guest, o posibleng guest — ang dapat maharap sa hindi patas o hindi pantay na pagtrato, batay sa, pero hindi limitado sa mga sumusunod na katangian:
- Lahi, kulay ng balat, wika, ethnicity, national o social origin, relihiyon, mga pananaw sa pulitika, nagmamay-ari o hindi man sila ng sariling property, sexual orientation, mental o physical abilities, gender, gender identity o expression, marital status o familial status, health status, lugar na tinitirhan o social o economic status.
- Mismo o ipinahihiwatig na kapansanan, halimbawa, sa pag-charge ng karagdagang fee sa guest na may mga kapansanan (kasama ang pet fees kapag may service o assistance animal ang guest) o pagtanggi sa pagpasok ng service o assistance animal.
- Mismo o ipinapahiwatig na edad, halimbawa, sa pag-charge ng karagdagang fee sa mga guest sa partikular na age group. Pero, maaari kang mag-set ng makatuwirang minimum age limit para sa mga guest na mag-check in o mag-stay sa property basta naka-apply sa lahat ng guest ang limitasyong iyon, nakabanggit sa property policies sa aming platform, at tinatanggap sa ilalim ng naaangkop na batas.
- Hindi mo puwedeng isailalim ang mga individual o grupo ng tao sa harassment, karahasan, o abuso na anumang uri, kasama ang sexual harassment at anumang iba pang gender-based na karahasan.
- Makikita rito ang karagdagang resource para sa mga partner
May nawawala bang impormasyon? /
Salamat sa pag-share
Ano ang impormasyong inaasahan mong makita sa page na ito?
Kaligtasan
Physical safety
Layon namin ang inclusive at global na travel community, at gusto naming mag-interact at mag-share ng travel experiences ang aming mga guest at partner nang may lubos na respeto, pagtitiwala, at kaligtasan. May karapatan at inaasahan ang bawat tao na mapanatili ang kanilang physical well-being at maging ligtas mula sa karahasan, pananakit, o abuso. Lubos naming sineseryoso ang mga paratang ng physical at sexual abuse. Mahigpit na ipinagbabawal ang naturang asal, kasama ang anumang aksyon na makakasakit o magbabanta sa ibang tao, dahil nilalabag nito ang aming mga pamantayan at guideline sa kaligtasan.
Kabilang din sa paglabag sa aming mga pamantayan at guideline ng community ang paggamit ng anumang item o chemical substance na itinuturing na sandata o mga gamit para mag-facilitate ng hindi gustong asal, kasama ang mga aksyon na layong manakit ng sinuman. Inaasahan namin ang aming mga partner at kanilang guest na unahin ang kanilang well-being at kaligtasan para sa lahat ng sangkot. Hindi ka dapat magsagawa o maghikayat ng asal na nakakasakit, nagbabantang manakit, o nagpapakita ng intensyong manakit ng sinumang tao o anumang property.
Kasama sa hindi katanggap-tanggap na pag-uugali — pero hindi limitado — ang sumusunod:
- Physical abuse: physical na mga pagbago, sinasadyang pagsira sa property at/o personal possessions, mga banta ng physical na karahasan at paggamit ng puwersa para piliting gawin ng mga tao ang bagay na labag sa loob nila.
- Paggamit ng mga bagay bilang sandata: pagbabanta na o mismong paggamit ng bagay para manakit ng sinuman.
- Mga banta ng karahasan: pananakot o pagbabanta sa ibang tao gamit ang physical na pananakit o sexual activity, ginawa man o hindi ang banta.
- Sexual abuse at maling asal: pagsasagawa ng hindi ninanais na comment o kilos, kasama na ang pag-solicit ng sexual contact, pag-display ng bastos na material o indecent exposure, paghawak o paghalik nang walang tahasang consent, at sexual assault o mga pagbabanta ng sexual assault.
- Non-consensual na physical na paghawak: anumang hindi tinatanggap na physical contact, kasama ang pangangapa, panghihipo, o anumang iba pang uri ng sexual assault.
- Sexual exploitation ng bata: mismo o tangkang pag-exploit para sa sexual na layunin ng mga menor de edad o wala pa sa tamang edad na mga tao sa pamamagitan ng pag-abuso ng sitwasyon ng kahinaan o tiwala.
- Paglabag sa karapatang-pantao: diskriminasyon sa personal characteristics, mga marahas na krimen, mga pag-abuso sa trabaho, paglabag sa legal system at issue na may kaugnayan sa property tulad ng forced evictions, land grabbing, at iba pa.
- Modern slavery: paglabag sa karapatan ng iba, kasama ang pang-aalipin, human trafficking, pilit na pagtatrabaho, debt bondage, descent-based slavery, servitude, child slavery, at pinilit at maagang pagpapakasal.
Banta sa kaligtasan
Seryoso kami pagdating sa kaligtasan at seguridad ng aming mga guest at partner. May tungkulin sa pangangalaga ang mga partner na siguruhing walang panganib sa kanilang mga property listing at naglalaan ng kapaligiran na may seguridad para sa mga guest. Kung mabigo kang panatilihing walang banta sa kaligtasan ang iyong property, inilalagay mo ang iyong mga guest at staff sa posibleng panganib. Para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat ng occupant, inaasahan namin na gumagawa ka, ang staff mo, at iyong mga guest ng mga pag-iingat habang nasa lugar para maiwasang lumikha ng anumang posibleng banta sa kaligtasan.
Halimbawa ng asal na inilalagay ang mga guest at staff sa panganib, pero hindi limitado, ang:
- Pinabayaang pag-aayos: hindi pagpansin o pagpapaliban ng kinakailangang repair na puwedeng ilagay sa panganib ang mga guest at staff, tulad ng sirang handrails, faulty wiring, o tagas.
- Kawalan ng safety equipment: kulang ang property sa gumaganang smoke alarms, carbon monoxide detectors, o fire safety equipment na nire-require ng mga lokal na batas, regulasyon, at kasunduan mo sa amin.
- Non-disclosure: pagkabigong ipaalam sa amin ang posibleng panganib na nauugnay sa property, tulad ng construction sites sa loob ng property, kawalan ng window guards sa high-rise apartments, o kakulangan ng harang sa mga pool.
- Naka-block na exits: pagharang o pag-lock ng posibleng emergency exit routes, na pinigilan ang ligtas na pag-evacuate kung sakaling may mga emergency.
- Maling pag-iimbak: pagtatabi ng hazardous materials o chemicals sa madadaling ma-acess na lugar nang walang tamang label at safety precaution.
- Hindi ligtas na amenities: pag-aalok ng amenities tulad ng hot tubs, pools, o saunas nang walang safety measure o maintenance alinsunod sa regulasyon na lokal o mula sa manufacturer.
- Kontaminadong pagkain o tubig: pag-aalok ng pagkain o tubig nang walang tamang safety at hygiene measure, na puwedeng magresulta sa intoxication, pagkakasakit, o pagkamatay.
Animal welfare
Hindi namin pinahihintulutan ang animal cruelty at exploitation. Isinasama lang namin sa listing ang mga accommodation o attraction kung natugunan nila ang mga partikular na criteria, tulad ng mga zoo o aquarium na member ng mga accredited na organisasyon. Dapat respetuhin ng mga partner ang parehong domestic at wild animals, sinisigurong naaayon sa amingmga pamantayan ng animal welfare ang kanilang living conditions.
May nawawala bang impormasyon? /
Salamat sa pag-share
Ano ang impormasyong inaasahan mong makita sa page na ito?
Privacy
Napakahalaga sa amin ng privacy ng aming partners at kanilang guests. Nakakatulong ang pagsunod sa aming privacy policies sa pagbuo ng tiwala at sinisigurong ramdam ng lahat na ligtas sila.
Online privacy: seryoso kami pagdating sa mga obligasyon sa privacy at data, na ayon sa aming naaangkop na Privacy statement. May karapatan ang lahat sa privacy habang ginagamit o naglalaan ng services sa aming platform.
Physical privacy: habang may interaction, dapat alalahanin ng sinuman ang personal space ng ibang tao, pati na ang kanilang pag-aari at personal information, at respetuhin ang kanilang privacy. Mahigpit na ipinagbabawal ang intentional o hindi intentional na paglabag ng privacy. Kabilang sa konsepto ng private space ang pag-intindi at pagrespeto sa boundaries para masiguro ang positive interaction kung saan parehong kumportable ang parehong party. Narito ang ilang dapat isaalang-alang para matukoy ang private space at data protection ng tao.
Mga boundary sa physical space
- Private space ng guest: ito ang mga nakalaang lugar ng guest, at dapat malinaw itong matukoy ng mga partner. Halimbawa ng private spaces ng guest ang mga bathrooms, bedroom, hotel room, hostel bed, capsule bed o bedroom na puno ng capsule bed, o anumang iba pang lugar na exclusive na nirentahan ng guest.
- Private space ng partner: mga naka-designate itong lugar ng partner na dapat matukoy ng partner at malinaw na maipaalam sa mga traveler. Hinihikayat namin ang pag-set up at pag-share ng mga house rule para matugunan ang privacy concerns Dapat nilang ma-outline kung saan makatuwirang maaasahan ng mga guest at partner ang privacy.
Paggamit ng surveillance devices at CCTV
- Paglalagay ng surveillance devices: siguraduhing naaayon sa mga lokal na batas at regulasyon, kasama ang pero hindi limitado sa, batas sa privacy ang anumang surveillance device sa iyong property. Dapat lang gamitin ang mga device na ito para sa kaligtasan at pag-monitor ng common areas, tulad ng mga entrance, hallway, parking lot, at public places.
- Dapat hindi ma-compromise ang privacy ng mga guest. Hindi dapat ma-install ang mga ito sa mga lugar kung saan inaasahan ng guest ang privacy, tulad ng living room o kitchen sa exclusive na nirentahang property, o nudist pool, spa, o sauna. Naglalaan ang Partner Hub article na ito ng iba pang impormasyon sa mga guideline sa paglalagay ng surveillance device.
- Sa tuwing maglalagay ang mga partner ng surveillance devices sa kanilang property, dapat nilang ipaalam ito sa kanilang property profile para makagawa ang mga guest ng tamang desisyon.
Halimbawa ng hindi katangggap-tanggap na asal — pero hindi limitado — ang sumusunod:
- Pagsakop sa private space ng sinuman.
- Pagpasok sa private area o kung saan inaasahan ang privacy nang walang consent o kaalaman.
- Paglalagay ng nakatago at/o hindi ipinaalam na surveillance devices.
- Paglalagay ng surveillance devices kung saan inaasahan ang privacy.
- Pag-record o pagkuha ng photo nang walang consent.
- Paghalungkat ng personal belongings ng sinuman, halimbawa:
- Bilang guest, anumang naka-lock na cupboard, sulat, nalimutang bag, purse, at iba pa ng partner.
- Bilang partner, anumang backpack, luggage, bag/purse, at iba pa ng guest.
- Pagbabahagi ng impormasyon o banta na ibahagi ang private information o data tungkol sa ibang tao
Data protection
Kasama sa hindi katanggap-tanggap na pag-uugali — pero hindi limitado — ang sumusunod:
- Content na maaaring ilagay sa mas matinding panganib ang privacy ng aming mga guest at iba pang data subject, tulad ng mga guest o partner na nagkamaling ibahagi ang personal data ng ibang tao, kasama ang, pero hindi limitado sa, sensitibo o special category na personal data. Kasama rin dito ang credit card numbers, national identification numbers, driver’s at iba pang license number, mga address, o anumang iba pang impormasyon na hindi naa-access ng publiko.
- Hindi katanggap-tanggap ang iresponsibleng pagtatago, paggamit, o paghawak ng personal data. Tumutukoy ang iresponsableng pagtabi ng anumang gawain o sitwasyon kung saan hindi sapat ang proteksyon o naiiwang mahina laban sa hindi otorisadong access ang sensitive information, tulad ng guest data. Halimbawa nito ang pag-iwan ng guest data na nakikita sa lobby, kung saan madali itong makikita o maa-access ng individual na walang access dapat sa naturang impormasyon.
May nawawala bang impormasyon? /
Salamat sa pag-share