Safety tips para sa mga partner
Tips para masigurong protektado ka at ang property mo
Mahalaga sa amin ang kaligtasan ng aming mga partner sa Booking.com. Ginagawa namin ang lahat para tulungan ka sa pagtanggap ng mga high quality guest: mayroon kaming in-depth security process na kabilang ang verification at fraud checks.
Mahalaga na laging maging handa, at 'yan ang dahilan kung bakit hinihikayat ka rin naming mag-ingat para sa iyong personal safety bilang host. Narito ang tips para masigurong magiging maayos ang lahat.
Mga tanong tungkol sa pag-host
Nasa aming Partner Hub ang mga sagot sa iyong pinakamahahalagang tanong. Kasama rito ang lahat ng topic mula sa kung paano maghanap ng reservation information hanggang sa kung paano mag-update ng availability ng property. Sa pamamagitan ng tutorials, guides, at videos, ang platform na ito ang lugar na makakatulong sa 'yo sa pag-manage ng partnership mo sa Booking.com.
Mag-enable ng 2FA sa account mo
Nagbibigay ang 2FA (two-factor authentication) ng karagdagang layer ng seguridad sa account mo. Sa pagkakataong ma-compromise ang username at password mo, magpapadala ang Booking.com ng unique verification code sa iyong mobile device na dapat maipasa bago mabigyan ng access sa account mo.
Manatiling ligtas bilang host
Mag-set ng malinaw na mga expectation
Kapag nagse-setup ng iyong host profile, maging malinaw at magbigay ng impormasyon tungkol sa features ng property mo at nakapaligid na lugar. Kung pinaparentahan mo ang iyong private home, puwede mong salubungin ang mga guest sa kanilang pagdating at ilibot sila.
Kilalanin kung sino ang darating
Gamitin ang aming messaging system para kausapin ang mga guest bago ang kanilang stay. Magandang pagkakataon ito para gawing kumportable ang bawat isa at makapagbigay ng dagdag na impormasyon (katulad ng kung paano mag-check in). 'Wag matakot na magtanong tungkol sa bilang ng guest na darating, ang dahilan ng kanilang trip, o kung ito ang unang beses na magrerenta sila ng property. Matindi naming ipinapayo na huwag magbigay ng personal na contact information sa guest hanggang ma-meet mo na sila – subukang panatilihin ang lahat ng komunikasyon sa aming platform.
Mag-set ng house rules
Makakabuting maglagay ng house rules na nagse-set ng mga standard kung paano mo gustong umasal ang mga guest. Ilang karaniwang bagay na puwede mong isama ang mga pet, paninigarilyo, mga party, at pag-iingay. Mapipili mo ang mga ito sa extranet o mag-iwan ng printed na kopya sa accommodation.
I-set ang mga guest requirement
Para masiguradong nakakatanggap ka ng genuine bookings, ni-require namin ang mga guest na magbigay ng valid email address, credit card information, at magkaroon ng magandang track record para sa kanilang mga stay. Para mabigyan ka ng mas malaking kontrol sa kung sino ang makakapag-book sa property mo, puwede kang mag-set ng dagdag na guest requirements sa extranet.
Panatilihing ligtas ang mga guest mo
Narito ang ilang suggestion para ihanda ang property mo para sa kaligtasan ng mga guest. Tandaan na maaaring kailangan mong maging mas maingat batay sa partikular na sitwasyon.
- Konsultahin ang iyong local government o council para malaman kung ano ang mga safety standard na dapat magawa.
- Kung pinaparentahan mo ang iyong bahay, ipaalam sa mga kapitbahay mo bago ka tumanggap ng mga guest.
- Bigyan ang mga guest ng mahalagang local information katulad ng telephone numbers ng emergency services, at mga regulasyon sa pagkain at inuming tubig.
Kung gusto mong alamin ang detalye tungkol sa pagtiyak na ligtas ang property mo, basahin ang aming article tungkol sa safety at emergency tips.
Fire at CO Prevention
- Siguraduhing nakikita ang emergency exit mo, walang nakaharang dito, at naka-outline ito sa property evacuation plan mo.
- Maglagay ng fire extinguisher sa madaling puntahang lugar at i-check ito nang regular. Mag-install ng smoke at CO detectors sa lahat ng palapag, at subukan ding maglagay ng sprinkler system.
- Siguraduhing regular ang pag-check at paglinis sa iyong mga gas cooker, water heater, at ibang electric appliances. Siguraduhing madaling ma-access ang valve sa pagsara ng gas.
Electrical safety at iba pang panganib
- Takpan ang mga hindi ginagamit na electrical outlets ng safety caps.
- I-check ang appliances mo nang regular para sa mga sirang switch, plug, at natuklap na cords.
- Palitan ang mga lumang cord at wire, at panatilihing hindi naka-cover ang mga ito, at malayo sa ibang items.
Childproofing
- Mag-install ng child-safety locks at removable gates para sa mga pinto, bintana, drawer, appliance, at anumang puwedeng mahulog.
- I-check ang mga handrail at railing ng lahat ng hagdanan, balcony, porch, at walkway para masigurong matibay ang mga ito at maayos ang pagkakalagay.
- Bigyan ang mga guest mo ng contact information para sa local emergency rooms at pediatric centers.
Panatilihing ligtas ang property mo
Ihanda ang property mo
Ilagay ang mahahalaga o partikular na mga personal na gamit sa ligtas na lugar kung pinaparenta mo ang iyong private home. Kung gusto mong mas maging sigurado na protektado ang property mo at nama-manage ang mga guest expectation, puwede ka ring mag-set ng damage deposit policy.
I-check ang insurance mo
Mababa ang posibilidad na masira ng mga guest ang property mo pero makakabuting maniguro laban sa 'di inaasahan. Hindi laging sakop ng regular homeowner insurance ang mga short-term rental sa iba, kaya kontakin ang insurance provider mo para i-check kung kailangan mo ng dagdag na coverage.
May nawawala bang impormasyon? /
Salamat sa pag-share
Ano ang impormasyong inaasahan mong makita sa page na ito?
Salamat sa pag-share
Makakatulong sa amin ang feedback mo para ma-improve ang page na ito para sa lahat ng aming guest at partner.
Pasensya na, nagkaroon ng error. Subukang muli.
Panatilihing ligtas ang account mo
Paano mananatiling ligtas online
Patuloy ang pag-evaluate namin sa mga banta online at pinapatibay ang aming seguridad para maging laging handa. Gumagamit kami ng matibay na security procedures para protektahan ang Booking.com account mo.
Bilang user ng aming platform, puwede mong panatilihing protektado ang mga account at identity mo sa pagbabantay ng mga email, text message (SMS), o WhatsApp message na naglalaman ng links at/o attachments, na hinihiling kang mag-sign in sa iyong Booking.com account o hinihingi ang personal o financial information mo. Alamin pa ang tungkol sa phishing.
Maaari ding subukan ng mga nanloloko na i-access ang account information mo sa phone call o nang personal gamit ang technique na tinatawag na social engineering.
Kung may mapansin kang kahina-hinalang activity, i-report ito agad sa amin.
Protektahan ang account mo gamit ang 2FA
Mag-enable ng 2FA sa account mo
Nagbibigay ang 2FA (two-factor authentication) ng dagdag na layer ng security sa account mo. Sa pagkakataong ma-compromise ang username at password mo, magpapadala ang Booking.com ng unique verification code sa iyong mobile device na dapat maipasa bago mabigyan ng access sa account mo.
Tandaan na property ID lang ang hihingin sa 'yo ng aming Partner Service representatives. Hindi nila kukunin ang password ng iyong Booking.com account o anumang sensitibong financial information, katulad ng credit card number mo.
May gusto pang malaman?
Tingnan ang aming tips kung paano maiiwasan ang unauthorized na paggamit ng account mo para manatiling ligtas.
Ano ang puwede mong gawin kapag may nangyaring masama
Kung sa hindi inaasahang pagkakataon na may masamang nangyari, naririto kami para sa 'yo. Alam din namin na gusto mong masolusyunan ang iyong sariling problema minsan. Sa section na ito, makikita mo ang mga susunding guideline kung sakaling may mangyaring issue, pati na rin ang steps na gagawin namin para gabayan ka.
Kung sakaling may hindi inaasahan na mangyari sa 'yo at kailanganin mo ng tulong sa iyong reservation, naririyan ang aming Partner Services team para gabayan ka. Pinakamainam na kontakin mo sila habang naka-stay pa ang guest sa iyong property. Pero, ang una mong kailangang gawin ay kontakin ang guest at subukang ayusin ang issue sa pakikipag-usap sa kanila.
Guest misconduct
- I-report muna ito sa mga otoridad: Kung sakaling may pang-aabusong ginawa ang guest, pisikal o pananalita man, kontakin agad ang mga opisyal ng batas. Itabi ang anumang police report o iba pang document na matatanggap mo dahil maaaring makatulong ito sa hinaharap ng kaso mo.
- Pagkatapos, i-report ito sa amin: Sa pagkakataong magkaroon ng pang-aabuso, maling asal ng guest, o iba pang iligal na gawain, mahalagang malaman namin ito. I-report ito sa amin para tulungang pangalagaan ka at iba pang partner sa hinaharap.
Pagtatago ng iyong damage deposit
Kung nakapagkolekta ka na ng damage deposit, may karapatan kang itago ito para sa mga pagkakataong mapatunayan na may nasira talaga ang guest.
Mga tulong sa panahon ng kalamidad
Patuloy kaming naghahanap ng mga bagong paraan para suportahan ang aming mga partner at guest kung sakaling may mangyaring masama. Nakikipagtulungan ang aming team sa mga opisyal ng gobyerno at mga organisasyon sa buong mundo para suportahan ang mga isinasagawang tulong sa panahon ng kalamidad.
Kung magkaroon ng kalamidad o matinding panganib sa seguridad, titingnan ng Booking.com ang naging epekto nito sa 'yo bilang bahagi ng aming pagtugon sa sakuna. Asahan mong kokontakin ka namin para malaman kung naging maayos ang lagay mo (at kung kaya mo pang mag-welcome ng mga guest).
May nawawala bang impormasyon? /
Salamat sa pag-share
Ano ang impormasyong inaasahan mong makita sa page na ito?
Salamat sa pag-share
Makakatulong sa amin ang feedback mo para ma-improve ang page na ito para sa lahat ng aming guest at partner.
Pasensya na, nagkaroon ng error. Subukang muli.