Ang aming mga pamantayan ng community
Ang na-set naming mga pamantayan para makabuo nang ligtas at welcoming na travel experiences para sa lahat
Respeto
Inaasahan namin ang aming mga guest at partner na itrato ang isa’t isa nang may respeto. Nakatuon kaming gawin ang lahat ng aming makakaya para matanggal ang lahat ng uri ng ipinagbabawal na bias, diskriminasyon, intolerance, harassment, at abuso sa lahat ng aming platforms. Napakahalagang bahagi ng interaction ng mga tao ang respeto. Para sa amin, nangangahulugan ito nang pagtrato sa lahat ng may dignidad, sa lahat ng interaction. Kabilang sa respeto ang pagkilala at pagbibigay-halaga sa iba’t ibang background at preference ng lahat ng customer anuman ang kanilang individual o sama-samang katangian, kasama na ang kanilang lahi, kulay ng balat, wika, ethnicity, national o social origin, relihiyon, mga pananaw sa pulitika, nagmamay-ari o hindi man sila ng sariling property, sexual orientation, mental o physical abilities, gender, gender identity o expression, marital status o familial status, health status, lugar na tinitirhan o social o economic status, pinagmulan, background, o iba pang factor ng katauhan.
Tiwala
Pundasyon ng anumang umuunlad na community ang tiwala at susi ito sa paglikha ng pangmatagalang ugnayan sa loob ng travel community. Binibigyang-diin namin ang katapatan, transparency, at integridad sa lahat ng interaction at transaction. Nagsisikap kaming gumawa ng tapat at professional na environment kung saan kinikilala ang mga pangako, tama ang descriptions, at isinasagawa ng mga customer ang business nang tapat at professional.
Kaligtasan
Pinakamahalaga ang kaligtasan at seguridad sa pag-promote ng travel experiences at interactions na walang panganib, pananakit, o banta. Kasama rito ang physical at psychological safety ng individual at ang seguridad ng iyong property. Inaasahan namin na sumunod sa mga guideline ng kaligtasan at seguridad ang aming mga guest at partner. Hindi katanggap-tanggap ang paglalagay sa panganib ng physical at psychological safety ng customer.
Privacy
Kasama sa privacy ang proteksyon laban sa hindi otorisadong paghimasok sa kuwarto ng guest o sa personal space, pati na pagbabantay laban sa surveillance. Kabilang din dito ang pagkontrol sa pagsisiwalat ng personal data at pagsisiguro ng informational privacy ng mga guest at partner. Pinapahalagahan namin ang physical at informational privacy ng aming mga customer, dahil may karapatan sa privacy ang lahat. Kasama rito ang pagrespeto sa personal space, pag-aari, personal data, travel plans, at communication sa pagitan ng mga guest at partner. Inaasahan namin na mahigpit na ipapatupad ang mga pamantayan sa privacy ng parehong mga customer at partner. Mahalaga ito sa pagbuo ng tiwala at pagsigurong nararamdaman ng lahat na ligtas ang pagbabahagi ng kinakailangang impormasyon, at walang panganib na magagamit ito nang mali o mae-expose nang walang consent.
Malalaman mo pa ang tungkol sa privacy sa aming platform sa aming Privacy statement.
Pagkilala sa batas
Hindi tumatanggap ang aming platform ng anumang activity na iligal o nagbabanta sa buhay, tulad ng pagnanakaw, vandalism, pangingikil, o iba pang criminal activity. Binibigyang-diin ng pamantayang ito ang halaga ng pagsunod sa mga lokal na batas at regulasyon at nire-require ang mga guest at partner na gumalaw ayon sa batas at nang responsable.
Animal welfare
Hindi namin pinahihintulutan ang animal cruelty at exploitation. Isinasama lang namin sa listing ang mga accommodation o attraction kung natugunan nila ang mga partikular na criteria, tulad ng mga zoo o aquarium na member ng mga accredited na organisasyon. Dapat respetuhin ng mga partner ang parehong domestic at wild animals, sinisigurong naaayon sa amingmga pamantayan ng animal welfare ang kanilang living conditions.
May nawawala bang impormasyon? /
Salamat sa pag-share
Ano ang impormasyong inaasahan mong makita sa page na ito?
Salamat sa pag-share
Makakatulong sa amin ang feedback mo para ma-improve ang page na ito para sa lahat ng aming guest at partner.
Pasensya na, nagkaroon ng error. Subukang muli.