Safety tips para sa mga traveler
Gamitin nang ligtas ang Booking.com
Patuloy ang pag-evaluate namin sa mga banta online at pinapatibay ang aming seguridad para maging laging handa. Gumagamit kami ng matibay na security procedures para protektahan ang Booking.com account mo.
Paano mananatiling ligtas online
Bilang user ng aming platform, puwede mong panatilihing protektado ang mga account at identity mo sa pagbabantay ng mga email na naglalaman ng links at/o attachments, mga email na hinihiling kang mag-sign in, o mga email na hinihingi ang personal o financial information mo. Maaari ding subukan ng mga nanloloko na i-access ang personal o financial information mo sa pagtawag sa 'yo, na tinatawag na social engineering.
Mag-enable ng 2FA sa account mo
Nagbibigay ang 2FA (two-factor authentication) ng karagdagang layer ng seguridad sa account mo. Sa pagkakataong ma-compromise ang username at password mo, magpapadala ang Booking.com ng unique verification code sa iyong mobile device na dapat maipasa bago mabigyan ng access sa account mo.
Customer Service
Tandaan na reservation ID at/o reservation PIN code lang ang hihingin sa 'yo ng aming Customer Service representative. Hindi hihingin sa 'yo ang password ng Booking.com account mo o anumang sensitibong financial information, tulad ng credit card number.
May nawawala bang impormasyon? /
Salamat sa pag-share
Ano ang impormasyong inaasahan mong makita sa page na ito?
Salamat sa pag-share
Makakatulong sa amin ang feedback mo para ma-improve ang page na ito para sa lahat ng aming guest at partner.
Pasensya na, nagkaroon ng error. Subukang muli.
Pagpili ng ligtas na destinasyon
Tingnan ang local requirements
Sa ilang bansa, maaaring hilingin ng iyong host na magtabi ng kopya ng ID o kunin ang original document bilang deposit, dahil sa tax purposes o local regulations. Puwede ka namang hingan ng marriage certificate sa ilang bansa para makasama mo sa parehong kuwarto ang iyong asawa.
Tingnan ang mga batas at regulasyon para sa kaligtasan
Mas maganda kung aalamin mo nang mas maaga ang travel advisory information ng gobyerno o i-check sa embassy mo ang anumang travel warnings o special visa requirements. Alamin ang phone number ng emergency services sa destinasyon mo. Tingnan din ang regulasyon sa pagkain at tubig – bago inumin ang tubig galing sa gripo, siguraduhing ligtas itong inumin.
Tingnan ang restrictions dahil sa Coronavirus (COVID-19)
Habang patuloy na nagbabago ang mundo ng pag-travel, mas binibigyan pa lalo ngayon ng pansin ang kalusugan at kalinisan. Mahalaga sa amin ang kalusugan at kaligtasan ng aming guests, at partners na kasama nila. Kaya naman, inipon namin ang ilang nakakatulong na tips at resources para maging panatag ka habang naghahanda para sa mga susunod na trip.
Paghanap ng tamang accommodation
Tingnan ang policies ng accommodation
I-check nang mabuti ang policy details ng accommodation, kasama na ang payment at damage deposit policies at section ng karagdagang fee bago mag-book. Kung humingi ang host ng payment na hindi nakalagay sa policy, huwag itong ibigay. Walang lehitimong transaction (halimbawa: payments at/o reservation changes) na magre-require sa 'yo na partikular na magbayad gamit ang gift cards o mag-require sa 'yo na ibigay mo ang iyong credit card details sa tawag, text message, o email. Makikita mo ang lahat ng policy ng accommodation na tinitingnan mo sa section ng "Mga Patakaran" (matatagpuan sa itaas ng photos ng kanilang accommodation page).
Basahin ang reviews
Tingnan ang naging feedback ng mga nakaraang traveler kasama na ang detalyadong reviews at ratings para sa mga bagay na tulad ng kalinisan at facilities. Makakapag-iwan lang ng review ang travelers kapag nakumpleto na nila ang kanilang stay, kaya mapapanatag ka na batay ang feedback sa mga totoong experience.
Maging partikular sa paghahanap
Gamitin ang iba't ibang search filter – mula presyo at uri ng accommodation, hanggang sa facilities – para mahanap ang pinakabagay sa 'yo. Tutukan nang mabuti ang amenities, house rules, at payment at cancellation policies kapag binasa mo ang accommodation details.
Kung may kasama kang mga bata sa pag-travel, siguraduhing may sapat na childproofing ang accommodation na binu-book mo.
Paghahanda para sa trip mo
Mag-check ng confirmation email mo
Makita ang tamang impormasyon tungkol sa prepayments, damage deposits, at iba pa sa Booking.com confirmation email mo. Kung makatanggap ka ng payment requests na pinagmamadali ka (halimbawa: i-transfer ang pera sa bank account sa loob ng 24 oras o maka-cancel ang booking), o pinipilit ng accommodation na makipag-usap sa labas ng Booking.com platform, kontakin ang Customer Service team para sa karagdagang tulong.
Kilalanin ang host mo
Hintayin munang masagot ang mga tanong mo bago ka mag-book o mag-stay. Para sa mga partikular na accommodation, puwede kang makipag-ugnayan gamit ang option na "Kontakin ang host." O mag-iwan sa accommodation ng special request kapag nag-book ka. Siguraduhing palagi mong gagamitin ang aming messaging system platform para maging mas malinaw sa lahat ang mga bagay-bagay.
Tandaan ang available na services
Mayroon kaming iba't ibang uri ng accommodation (halimbawa: apartments, bed and breakfasts, at hotels) sa aming website. Kung mag-book ka ng shared accommodation, asahan mong may ibang travelers na naroroon. Kung mag-book ka ng apartment, tandaan na maaaring walang 24/7 na reception.
Pagkakaroon ng masayang trip
Suriin ang accommodation pagdating
Kapag dumating ka sa accommodation mo, i-check kung saan matatagpuan ang lahat ng nauugnay na emergency equipment at safety information. Kung hindi ka sigurado kung nasaan ang mga bagay, tulad ng first aid kit o fire extinguisher, huwag mag-atubiling tanungin ang iyong host. Mas mabuting maging handa.
Magmalasakit sa local community
Habang naka-stay sa accommodation o gumagamit ng ibang services sa Booking.com, magmalasakit sa local community. Subukang bawasan o iwasan ang paggawa ng anumang ingay na makakaistorbo sa mga kapitbahay, sundin ang mga batas sa lugar o tradisyon, at isipin lagi ang kalikasan.
Paano kung may mangyaring masama
Local emergency services
- Abkhazia
- Afghanistan
- Albania
- Algeria
- American Samoa
- Andorra
- Angola
- Anguilla
- Antigua & Barbuda
- Argentina
- Armenia
- Aruba
- Australia
- Austria
- Azerbaijan
- Bahamas
- Bahrain
- Bangladesh
- Barbados
- Belarus
- Belgium
- Belize
- Benin
- Bermuda
- Bhutan
- Bolivia
- Bonaire St Eustatius and Saba
- Bosnia and Herzegovina
- Botswana
- Brazil
- Brunei Darussalam
- Bulgaria
- Burkina Faso
- Burundi
- Cambodia
- Cameroon
- Canada
- Cape Verde
- Cayman Islands
- Central Africa Republic
- Chad
- Chile
- China
- Cocos (Keeling) Islands
- Colombia
- Comoros
- Congo
- Cook Islands
- Costa Rica
- Côte d'Ivoire
- Crimea
- Croatia
- Cuba
- Curaçao
- Cyprus
- Czech Republic
- Democratic Republic of the Congo
- Denmark
- Djibouti
- Dominica
- Dominican Republic
- East Timor
- Ecuador
- Egypt
- El Salvador
- Equitorial Guinea
- Eritrea
- Estonia
- Eswatini
- Ethiopia
- Falkland Islands (Malvinas)
- Faroe Islands
- Fiji
- Finland
- France
- French Guiana
- French Polynesia
- Gabon
- Gambia
- Georgia
- Germany
- Ghana
- Gibraltar
- Greece
- Greenland
- Grenada
- Guadeloupe
- Guam
- Guatemala
- Guernsey
- Guinea
- Guinea-Bissau
- Guyana
- Haiti
- Honduras
- Hong Kong
- Hungary
- Iceland
- India
- Indonesia
- Iran
- Iraq
- Ireland
- Isle of Man
- Israel
- Italy
- Jamaica
- Japan
- Jersey
- Jordan
- Kazakhstan
- Kenya
- Kiribati
- Kosovo
- Kuwait
- Kyrgyzstan
- Laos
- Latvia
- Lebanon
- Lesotho
- Liberia
- Libya
- Liechtenstein
- Lithuania
- Luxembourg
- Macao
- Madagascar
- Malawi
- Malaysia
- Maldives
- Mali
- Malta
- Martinique
- Mauritania
- Mauritius
- Mayotte
- Mexico
- Micronesia
- Moldova
- Monaco
- Mongolia
- Montenegro
- Montserrat
- Morocco
- Mozambique
- Myanmar
- Namibia
- Nepal
- Netherlands
- New Caledonia
- New Zealand
- Nicaragua
- Niger
- Nigeria
- Norfolk Island
- North Macedonia
- Norway
- Oman
- Pakistan
- Palestinian Territory
- Panama
- Papua New Guinea
- Paraguay
- Peru
- Pilipinas
- Poland
- Portugal
- Puerto Rico
- Qatar
- Reunion
- Romania
- Russia
- Rwanda
- Saint Barthelemy
- Saint Lucia
- Saint Martin
- Saint Vincent & Grenadines
- Samoa
- San Marino
- São Tomé and Príncipe
- Saudi Arabia
- Senegal
- Serbia
- Seychelles
- Sierra Leone
- Singapore
- Sint Maarten
- Slovakia
- Slovenia
- Solomon Islands
- Somalia
- South Africa
- South Korea
- South Sudan
- Spain
- Sri Lanka
- St Helena
- Suriname
- Sweden
- Switzerland
- Syria
- Taiwan
- Tajikistan
- Tanzania
- Thailand
- Togo
- Tonga
- Trinidad and Tobago
- Tunisia
- Turkey
- Turkmenistan
- Turks & Caicos Islands
- Tuvalu
- Uganda
- Ukraine
- U.K. Virgin Islands
- United Arab Emirates
- United Kingdom
- Uruguay
- U.S.A.
- U.S. Virgin Islands
- Uzbekistan
- Vanuatu
- Venezuela
- Vietnam
- Wallis and Futuna
- Yemen
- Zambia
- Zimbabwe
Tulong kapag may kalamidad
Patuloy kaming naghahanap ng mga bagong paraan para suportahan ang aming travelers at partners kapag may masamang mangyari. Nakikipagtulungan ang aming team sa mga opisyal ng gobyerno at organisasyon sa buong mundo para suportahan ang mga isinasagawang pagtulong.
Kapag may kalamidad o matinding panganib sa seguridad, makakatanggap ka ng email para i-confirm kung ligtas ka (kung may active reservation ka sa panahon ng insidente). Kung papalapit pa lang ang reservation imbes na active, makikipagtulungan kami sa aming mga team para i-cancel ito kung nararapat. At, kung kinakailangan at depende sa sitwasyon, tutulong kami sa paghahanap ng malilipatan mo.
Kung sa hindi inaasahang pagkakataon na may masamang nangyari, naririto kami para sa 'yo. Sa section na ito, makikita mo ang mga susunding guideline kung sakaling may mangyaring issue, pati na rin ang steps na gagawin namin para gabayan ka.
Ang una mong kailangang gawin ay kontakin ang iyong host o miyembro ng staff sa accommodation at subukang ayusin ang issue sa pakikipag-usap sa kanila. Kung hindi ito magagawa, palaging nariyan ang Customer Service para tulungan ka kung sakaling may hindi inaasahang mangyari, at puwedeng pinakamabisa na kontakin sila habang nasa accommodation ka pa.
Maling charges
Kontakin ang host mo gamit ang aming messaging system o makipag-ugnayan sa Customer Service. Tandaan, dapat lang kontakin ang Booking.com gamit ang aming official communication channels na nakalista sa aming website at apps. Walang lehitimong transaction (halimbawa: payments at/o reservation changes) gamit ang Booking.com na magre-require sa 'yo na partikular na magbayad gamit ang gift cards o mag-require sa 'yo na ibigay mo ang iyong credit card details sa tawag, text message, o email.
Masamang asal
- I-report muna ito sa tagapagpatupad ng batas: Kung sakaling may pang-aabusong ginawa ang iyong host o miyembro ng staff sa accommodation, maging pisikal o pananalita man, kontakin agad ang mga opisyal na nagpapatupad ng batas.
- Pagkatapos, i-report ito sa amin: Sa pagkakataong magkaroon ng pang-aabuso, maling asal ng host o miyembro ng staff sa accommodation o iba pang iligal na gawain, mahalagang malaman namin ito. Mag-report sa Customer Service para tulungan kaming protektahan ka at iba pang traveler sa susunod.
May nawawala bang impormasyon? /
Salamat sa pag-share
Ano ang impormasyong inaasahan mong makita sa page na ito?
Salamat sa pag-share
Makakatulong sa amin ang feedback mo para ma-improve ang page na ito para sa lahat ng aming guest at partner.
Pasensya na, nagkaroon ng error. Subukang muli.