Pumunta na sa main content

Ang aming values at guidelines

Mga standard na inilaan namin para humikayat ng ligtas at maayos na mga travel experience sa lahat

Magbigay ng respeto habang nagta-travel

Traveler na may hawak na mapa at nakasakay sa likod ng rickshaw

Paggalang

Inaasahan naming irerespeto ng aming mga empleyado, customer, at partner ang isa't isa. Hindi namin hahayaan ang anumang uri ng harassment, pang-aapi, hate speech, manipulasyon, pananakit, o anumang uri ng pagbabanta o mapang-abusong ugali.

Komunidad

Habang naka-stay sa accommodation o gumagamit ng ibang services sa Booking.com, nakikiusap kami sa 'yo na alalahanin ang komunidad sa paligid. Subukang limitahan/bawasan ang anumang ingay na puwedeng makaistorbo sa mga kapitbahay, irespeto ang local na batas at tradisyon, at laging isipin ang epekto mo sa kapaligiran.

Integridad

Sa Booking.com, inaasahan namin ang aming mga partner at customer na magsagawa ng business sa pamamagitan ng aming platform sa tapat at professional na paraan, na hindi magsisinungaling sa anumang paraan, at igagalang ang mga kasunduang ginawa sa pagitan ng isa't isa.


Ligtas na pag-travel

Dalawang masayang traveler na nakasakay sa ibabaw ng double-decker bus

Pagsunod sa batas

Hindi pinapahintulutan ng Booking.com ang pagnanakaw, vandalism, kriminal na gawain, o pangingikil. Maaaring magresulta sa pag-block ng iyong account at/o property ang anumang uri ng iligal o mapanganib na gawain.

Physical safety

Sa Booking.com, priority namin ang physical safety ng aming mga customer, partner, at employee. Huwag sumali sa o mag-promote ng anumang activity na puwedeng makasakit sa ibang tao o maaaring ituring bilang pagmamalupit sa mga hayop.

Animal welfare

Hindi pinapahintulutan ng Booking.com ang animal cruelty. Inaasahan mula sa mga guest, partner, at empleyado ng Booking.com ang pagrespeto sa domestic animals at wildlife, at pagbibigay sa mga hayop ng pamumuhay na alinsunod sa aming Animal Welfare Guidelines.


Data protection at privacy

Batang babae at kanyang lola na tinitingnan ang photos sa digital camera

Personal information

Hindi pinapayagan ng Booking.com ang sinumang partner o affiliate na gumagamit ng personal data ng ibang tao bilang paglabag sa ating agreement at/o mga naaangkop na batas.

Video at audio recording guidelines

  • Habang gumagamit at nagbibigay ng services sa Booking.com, alalahanin ang personal space ng ibang tao at paggalang sa kanilang privacy at pag-aari. Kung naka-stay ka sa hotel o bahay ng isang tao, irespeto ang kanilang property at house rules.
  • Pinapayagan lang sa public areas ang mga camera na naka-install sa property, at dapat parehong nakikita at ipinagbibigay-alam bago ang stay.

Ang privacy mo

  • Privacy: Sa Booking.com, mahalaga sa amin na maibigay ang pinakamagandang user experience para sa lahat ng gumagamit ng travel services. Ibig sabihin, seryoso kami sa privacy mo at talagang papangalagaan at babantayan ito alinsunod sa aming Privacy at Cookie Statement at mga naaangkop na batas.
  • Mahalaga sa amin na mapanatiling ligtas ang iyong data. Kaya naman pinapangalagaan ng Booking.com ang personal data at credit card information mo alinsunod sa mga naaangkop na batas, kasama na ang GDPR at data security standards ng Payment Card Industry (PCI DSS).

May nawawala bang impormasyon? /

Salamat sa pag-share


Nakalaan ang article na ito para magbigay ng impormasyon at hindi dapat ituring na isang legal advice, mga karapatan, o guarantee​. Tandaan na maaaring kailangan mong maging mas maingat sa ilang indibidwal na sitwasyon.
  翻译: