Pumunta sa nilalaman

Kapuluan ng Åland

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kapuluan ng Åland o Alandiya (Suwekong pagbigkas: [ˈoːland], Pinlandes: Ahvenanmaa) ay ang bumubuo ng isang kapuluan sa Dagat Baltiko. Nakalagak sila sa bukana ng Golpo ng Bothnia at bumubuo ng isang pederasya o awtonomong demilitarisado at monolingguwal na rehiyong nagsasalita ng Wikang Suweko sa Pinlandiya. Bilang kapuluan, binubuo ang Alandia ng pinakamaliit na mga rehiyon ng Pinlandiya, na mayroon lamang 0.49% ng kanyang areang panglupain, at 0.50% ng kanyang populasyon.

Binubuo ang Åland ng Fasta Åland (ang "Pangunahing Pulo," na may 90% ng populasyon),[1] na may isang kapuluan sa silangan na binubuo ng mahigit sa 6,500 mga eskolyo at mga pulo. Nakahiwalay ang Fasta Åland mula sa dalampasigan ng Suwesya sa pamamagitan ng 38 kilometro (24 mi) ng lantad na tubigan sa kanluran. Sa silangan, ang arkipelagong Åland ay kalapit at katabi ng Dagat Arkipelago ng Pinlandiya. Ang tanging hangganang lupain ng Åland ay nasa sa hindi pinaninirahang eskolyo (skerry) ng Märket,[2] na pinagsasaluhan nila ng Sweden.

Dahil sa katayuang awtonomo ng Kapuluang Åland, ang mga kapangyarihang naisasakatuparan sa kaantasang panglalawigan ng mga kinatawan ng panggitnang administrasyon ng estado sa natitirang bahagi ng Pinlandiya ay malawakang naisasagawa ng Pamahalaan ng Åland sa Åland.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Åland Islands". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-09. Nakuha noong 2011-12-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. isang paglalahad ng hangganan sa Märket, at kung paano ito muling iginuhit noong 1985, lumitaw sa Hidden Europe Magazine, (11 Nobyembre 2006) pp. 26-29 ISSN 1860-6318
  翻译: